Patuloy na nagpapakilala ng husay at galing si La Union Governor Rafy Ortega David matapos mapasama sa prestihiyosong listahan ng top-ranked governors sa Luzon.
Sa resulta ng Youth Satisfaction and Trust Ratings Survey ng Institute for Global Education Exchange and Internship (IGEEI), kinilala ang mga pinakamahusay na gobernador batay sa tiwala, serbisyo, at programang nakatuon sa kabataan.
Kasama rin si Governor Ortega David sa mga lider na pinuri ng kabataan para sa kanilang malasakit at makabagong solusyon sa governance.
Nagsagawa ang IGEEI ng survey mula Nobembre 15 hanggang Disyembre 15, 2024, na sumaklaw sa 10,000 respondents mula Luzon, edad 18–30. Lumabas sa survey na 92% ng kabataan ang nagbigay-diin sa transparency at accountability, habang 88% ang nagsabing mahalaga ang disaster preparedness. Pumangatlo naman ang access sa edukasyon, trabaho, at youth empowerment programs na may 84%.
Top 10 Priorities Ng Kabataan Sa Mga Lider:
- Transparency at Accountability – 92%
- Disaster Preparedness and Recovery – 88%
- Access sa Edukasyon at Trabaho – 84%
- Sustainable Development Programs
- Inclusivity sa Governance
- Pagpapanatili ng Kultura at Tradisyon
- Proactive Leadership
- Gamit ng Social Media para Kumonekta sa Constituents
- Environmental Preservation
- Innovative Infrastructure Projects
Bagong Kultura Ng Pamumuno
Ipinapakita ng survey na malaki ang papel ng kabataan sa pagsukat ng tagumpay ng mga lider. Hinahangaan nila ang mga gobernador na may malinaw na bisyon, makatao, at tapat sa serbisyo publiko.
Bilang bahagi ng adbokasiya ng IGEEI para sa informed citizenship at transformative leadership, ang survey na ito ay naglalayong magbigay-inspirasyon sa mga lider na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kabataan.
Photo credit: Facebook/GovRafy