Patuloy na nananatiling mataas ang tiwala ng publiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahit na bahagyang bumaba ang kanyang ratings sa ikaapat na quarter ng 2024, ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research. Sa isinagawang survey noong Nobyembre 10 hanggang 16, nakakuha ang Pangulo ng 65% trust rating at 64% performance rating, na bahagyang mas mababa kumpara sa 69% at 66% noong nakaraang quarter.
Pagbaba Ng Ratings Ni VP Sara Duterte
Sa unang pagkakataon, bumaba sa below 50% ang ratings ni Vice President Sara Duterte. Ayon sa OCTA, nakapagtala siya ng 49% trust rating at 48% performance rating, na siyang pinakamababa simula Disyembre 2023.
“Patuloy na pababa ang ratings ng bise presidente,” pahayag ng OCTA Research.
Mga Lugar Ng Pinakamalakas Na Suporta
- Pangulong Marcos Jr.: Malakas ang suporta mula sa Balance Luzon, partikular sa mga respondents mula sa Class ABC at D.
- VP Duterte: Nananatiling solid ang suporta sa Mindanao, partikular sa Class E respondents.
Mga Rating Ng Iba Pang Opisyal
- Senate President Francis Escudero: Nakakuha ng 63% trust rating at 65% performance rating.
- House Speaker Martin Romualdez: May 58% trust rating at 59% performance rating.
- Chief Justice Alexander Gesmundo: Nanatiling mababa ang ratings, na may 10% trust rating at 8% satisfaction rating.
Detalye Ng Survey
Ayon sa OCTA Research, isinagawa ang survey sa pamamagitan ng harapang panayam sa 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mayroon itong ±3% margin of error sa national level.
Photo credit: Facebook/pcogovph