Friday, January 24, 2025

US, KUMALAS SA WHO! Garin, Nagbabala Sa Posibleng Epekto Sa ‘Pinas

27

US, KUMALAS SA WHO! Garin, Nagbabala Sa Posibleng Epekto Sa ‘Pinas

27

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binigyang-diin ni dating Health Secretary at kasalukuyang House of Representatives Deputy Majority Leader Janette Garin ang posibilidad ng malaking epekto sa mga programang pangkalusugan ng bansa kasunod ng desisyon ng Estados Unidos na kumalas mula sa World Health Organization (WHO).

“Napakaimportante nito sa Pilipinas kasi maraming usaping kalusugan at maraming programa sa kalusugan na kumukuha tayo ng funding support sa WHO. And of course expected na ‘yung USAID ay bababa ang mga tinutulong nito sa mga bansa sa movement na ito,” ani Garin nitong Huwebes nang tanungin tungkol sa implikasyon ng pagkalas ng US sa WHO.

Posibleng Implikasyon Ng Pagkalas Ng US
Nagpahayag din ng pagkabahala si Garin sa posibleng pamumuno ng mga bansang tulad ng China o Russia sa WHO dahil sa kanilang malalaking ekonomiya. Aniya, maaaring magkaroon ang mga ito ng access sa sensitibong impormasyon na maaaring magdulot ng banta sa pandaigdigang seguridad.

“Ang kalusugan kapag may pandemya threat ‘yan sa buong mundo so sila ang mag initial access, that is what is going to happen.”

Dagdag pa rito, iminungkahi ni Garin ang reporma sa mga gastos ng WHO upang mabawasan ang hindi kailangang paggastos at magamit ang pondo sa mas mahahalagang usapin sa kalusugan. Binanggit niya ang madalas na “frequent travels” at “wine and dine” bilang mga halimbawang dapat bawasan.

Desisyon Ni Trump At Pananaw Ni Garin
Matatandaang nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang executive order na nag-aatas sa pagkalas ng US mula sa WHO. Ayon kay Garin, maaaring ginawa ito ng US upang tutukan ang kanilang panloob na pangangailangan, na aniya’y “understandable” lalo na sa ganitong panahon.

“‘Yung sinasabing mishandling nung pandemic, walang perpektong response sa pandemic, kaya sa totoo lang ang pananaw ko dyan, naghahanap lang ng rason ang America, ang katotohanan dyan, talagang nagtitipid sila because they want to spend more for their internal needs which is understandable sa panahong ito,” paliwanag niya.

Mahalagang Papel Ng WHO Sa Kalusugan
Binigyang-diin din ng dating kalihim ang mahalagang papel ng WHO sa pandaigdigang kalusugan, partikular na sa surveillance ng public health emergencies na nakakaapekto sa iba’t ibang bansa.

 

Photo credit: Facebook/WHO

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila