Muling bumida si dating Senador Panfilo Lacson sa Ilocos Norte nang kanyang igiit ang kahalagahan ng tatlong pangunahing katangian ng mga Ilocano—Masinop, Masipag, at Matapat—bilang pundasyon ng mas maunlad na Pilipinas.
Sa campaign rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, sinabi ni Lacson na matagal nang nakaukit sa kultura ng mga Ilocano ang pagiging masinop sa pera, masipag sa trabaho, at tapat sa paninindigan, kaya’t ito rin ang dapat gawing gabay para sa kinabukasan ng bansa.
“When I visit Ilocos Norte or any part of the Ilocos Region, three traits come to mind — frugality, industriousness, and loyalty,” aniya. “Ilocanos are hardworking and frugal to secure a better future for their children and above all, they are loyal.”
3 Mandirigma Ng Malacañang
Idiniin din ni Lacson ang tatlong matitinik na Ilocano sa Malacañang na sumasalamin sa mga nabanggit na halaga—Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile bilang huwaran ng pagiging masinop, Executive Secretary Lucas Bersamin bilang simbolo ng kasipagan, at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang ehemplo ng katapatan.
“If I am given the chance to serve, I will help President Marcos in his efforts to secure a brighter future for our country and the next generations of Filipinos,” pahayag ni Lacson.
Matatandaang ipinanganak si Enrile sa Gonzaga, Cagayan; si Bersamin sa Bangued, Abra; at si Marcos naman sa Batac, Ilocos Norte—lahat ay pawang may dugong Ilocano.
Suportado Ng Ilocos
Ipinagmalaki rin ni Lacson ang kanyang malakas na suporta sa Ilocos Norte noong 2016 senatorial elections, kung saan nanguna siya sa Laoag City at pumangalawa sa buong lalawigan, kasunod ni House Speaker Martin Romualdez.
Bilang panawagan sa kapwa kandidato, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patas at malinis na kampanya.
“Two words: Golden Rule. Do not do to others what you do not want done to you. Nothing good comes from negative campaigning. Rise on your own merits, highlight your track record and present your plans instead of putting others down,” saad ni Lacson.
Photo credit: Facebook/pnagovph