Ipinagdiwang ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kanilang ika-anim na anibersaryo, kung saan muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pabahay bilang isang karapatan, hindi isang pribilehiyong kailangang paghirapan.
“Housing should not be an act of charity, nor should it be a distant dream dangled out of reach. A home is not a luxury – it is the ground beneath a family’s stability, the safeguard of its dignity, and a space where aspirations take root,” ayon kay PBBM sa opisyal na mensahe para sa DHSUD.
Matagal nang tinitingnan ang pagkakaroon ng sariling bahay bilang isang bagay na kailangang ipagpaguran nang husto. Pero ayon sa Pangulo, panahon na para baguhin ang pananaw na ito.
“Yet, for too long, homeownership has been treated like a privilege to be earned rather than a right to be secured. DHSUD is here to change that.”
Pambansang Pabahay, Isinusulong
Mula nang maitatag ang DHSUD noong Pebrero 14, 2019 sa bisa ng Republic Act 11201, agresibo nitong isinusulong ang mga programang pabahay gaya ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) at ang Pasig River Urban Development (PRUD).
“Through bold, people-first programs like the Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) and the Pasig River Urban Development (PRUD), we dismantle the notion that opportunities belong only to the fortunate few,” ani Marcos.
Si DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar mismo ang nangunguna sa pagpapatupad ng mga proyektong ito sa buong bansa, kabilang ang Pasig Bigyang Buhay Muli Project na layong i-develop ang Pasig River at mga komunidad sa paligid nito.
‘Welcome Home’ Para sa Lahat
Sa temang “Six Years of Empowering Lives: Building Homes, Building Futures for Every Filipino Family,” binigyang-diin ng DHSUD ang adhikain ng administrasyon na gawing abot-kamay ang sariling bahay para sa bawat Pilipino.
“Six years in, and the work is far from over. Love, after all, is not proven in promises alone but in the years of dedication that follow,” dagdag pa ni Marcos.
Hindi raw nasusukat ang tagumpay ng isang bansa sa pinakamataas nitong gusali kundi sa dami ng pamilyang may maituturing nang tahanan.
“The same holds true for our commitment to housing because a nation’s success is not measured by its tallest towers, but by how many of its people can finally say, ‘Welcome home.’”
Patuloy Na Commitment Sa Pabahay
Muling pinagtibay ng Pangulo ang pangako ng gobyerno na tiyaking bawat Pilipino ay may oportunidad na magkaroon ng disenteng tirahan at mas magandang kinabukasan.
Photo credit: Philippine News Agency website