Tiwala ang mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na mauulit ang tagumpay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Negros Oriental noong 2022 at magiging panalo rin sila sa darating na Mayo 2025 na halalan.
Sa isang press conference bago ang campaign rally sa Governor Mariano F. Perdices Memorial Coliseum, buo ang kumpiyansa ni dating Senate President Vicente Sotto III na malakas ang laban ng kanilang grupo, lalo na’t may basbas sila ng Pangulo.
“The President is endorsing us and if you look at the line-up, the 12 candidates of Alyansa, we are confident. The people of Negros Oriental will see the experience and the help that we’ve given the country, (our) efforts as public servants, that we have served (them),” ani Sotto.
Sinuportahan din ito ni dating Senador Panfilo Lacson, na nagsabing malaking bagay ang endorsement ng isang popular na Pangulo.
“Any endorsement from a popular endorser will definitely boost or help the chances of those being endorsed,” giit niya.
Hindi rin nagpahuli si boxing champion at dating senador Emmanuel “Manny” Pacquiao, na positibong pananalo ang kanilang grupo sa darating na eleksyon.
“Ang grupo ay kumpiyansa para makakuha ng maraming boto sa inyo sa Negros Oriental especially sa Dumaguete na nanalo din dito ang Pangulo,” aniya.
Samantala, ayon kay dating DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., malakas ang kanilang laban dahil hawak na nila ang tiwala ng mga botante sa Negros Oriental.
“The President has won all the vote needed in Negros and I do believe, our performance will speak for itself,” wika niya.
Kumpiyansa rin si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na dala ng Pangulo ang kanilang alyansa sa tagumpay.
“So, we’re very confident also na mabibitbit niya ang Alyansa,” aniya.
Ipinunto naman ni Las Piñas City Rep. Camille Villar na hindi lang basta suporta ng Pangulo ang nagdadala ng tagumpay kundi pati na rin ang nagawa ng administrasyon sa peace and order, kabuhayan, at job generation sa Negros Oriental.
Dagdag pa ni Makati City Mayor Abigail Binay, hindi lang endorsement kundi pati track record at kakayahan nilang magsilbi ang magiging puhunan nila sa pagpasok sa Senado.
“(Marcos’ victory here in 2022) is an added bonus, especially if you are part of the administration slate.”
Photo credit: Philippine News Agency