Thursday, February 27, 2025

VLOGGERS VS KONGRESO! SC, Pinagkomento Ang House Sa Mainit Na Laban Sa Fake News

3

VLOGGERS VS KONGRESO! SC, Pinagkomento Ang House Sa Mainit Na Laban Sa Fake News

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinagkomento ng Korte Suprema ang Kamara kaugnay ng petisyong inihain ng ilang vloggers at social media influencers na kumukwestiyon sa legalidad ng imbestigasyon hinggil sa pagkalat ng fake news at malisyosong content sa social media.

“In a resolution dated February 11, 2025, the Court required the respondents to comment on the petition for certiorari and prohibition (with urgent prayer for the issuance of a TRO — temporary restraining orde — and writ of preliminary injunction) within a non-extendible period of 15 days from notice, to be filed with the Court and served on petitioners by personal service,” ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting sa isang mensahe sa mga mamamahayag nitong Huwebes.

Mga Kilalang Personalidad, Humarap Sa Laban

Kabilang sa mga petitioner sina dating Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Krizette Laureta Chu, Sass Rogando Sasot, Mark Anthony Lopez, Lorraine Marie Badoy-Partosa, Jeffrey Almendras Celiz (Eric Celiz), Dr. Richard Mata, Ethel Pineda Garcia, Joie De Vivre (Elizabeth Joi Cruz), Aaron Peña, at Mary Jean Reyes.

Giit nila, nilalabag umano ng imbestigasyon ng House Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, at Public Information—na tinaguriang “Tri Committee”—ang kanilang karapatang konstitusyunal sa malayang pagpapahayag at press freedom.

Barbers: Wala Kaming Intensyong Patahimikin Ang Mga Tao

Nilinaw naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, isa sa mga respondent, na ang joint panel hearing ay hindi naglalayong supilin ang kalayaan sa pamamahayag.

Ayon kay Barbers, ang imbestigasyon na naudyok ng kanyang privilege speech noong Disyembre 16 at isang resolusyong inihain ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., ay naglalayong magtakda ng patakaran upang mapanatili ang tamang paggamit ng social media.

“Our take being members of the 19th Congress is to establish a set of rules, conscious of course of the constitutional right to freedom of expression. Yung sa akin lang naman po ay isang polisiya or framework na kung saan ay hindi magamit ang social media platforms for spreading fake news or espousing disinformation, misinformation or malinformation,” diin ni Barbers sa ikalawang pagdinig ng komite noong Pebrero 18.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila