Sunday, December 22, 2024

DEPED LAGAPAK COA AUDIT! Silid-Aralan, Nasilid Sa Kawalan?

2106

DEPED LAGAPAK COA AUDIT! Silid-Aralan, Nasilid Sa Kawalan?

2106

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Umabot lamang sa 192 na classroom ang naipatayo ng Department of Education (DepEd) noong 2023 – napakalayo mula sa target nitong 6,379 para sa nasabing taon, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA). 

Binigyang-diin din ng ulat na ang nasabing datos ay dahil sa sa mga pagbabago sa disenyo ng mga proyekto. Binanggit pa ng komisyon na habang nasa 4,391 na silid-aralan ang ginagawa pa, 550 ang hindi pa nagsisimula sa iba’t ibang stage ng procurement.

Bukod sa mga pagkaantala sa pagtatayo ng silid-aralan, nahuli rin ang departamento sa pag-aayos at rehabilitation ng mga kasalukuyang silid-aralan. Sa 7,550 na silid-aralan na nakatakdang ayusin, 208 lamang ang natapos, habang 2,135 ang nasa ilalim pa rin ng pagkukumpuni, at 5,207 ang nakabinbin ang procurement.

Ang mga natuklasan ng COA ay nagpakita rin ng mga malalaking inefficiency sa pangangasiwa ng departamento ng Basic Education Facilities Fund (BEFF). Ayon dito, ang BEFF, na mahalaga para sa pagpapabuti at pagpapanatili ng mga pasilidad ng paaralan, ay hindi nagamit ng mahusay at epektibo sa 14 na regional office dahil sa iba’t ibang mga isyu.

Bilang tugon sa mga natuklasan ng komisyon, iniugnay ng DepEd ang mga pagkaantala sa paglipat ng responsibilidad para sa pagkukumpuni at rehabilitasyon ng silid-aralan sa Department of Public Works and Highways sa ilalim ng General Appropriations Act of 2023. “The DepEd was ready to conduct Early Procurement Activities (EPA) for this program and the preliminary activities had already been completed. However, when this was transferred to DPWH for implementation per GAA FY 2023, the DPWH had to do their own revalidation and programming of the works. Thus, said transfer caused a delay in the implementation,” paliwanag nito.

Sa pagdinig ng Kamara noong Setyembre 2, nagpahayag ng pagkabahala si Zamboanga del Norte Representative Adrian Amatong sa mababang paggamit ng budget ng DepEd sa ilalim ng panunungkulan ni Vice President Sara Duterte, lalo na kung ikukumpara sa mabilis na disbursement ng confidential funds. “We talk about improving the learning environment, about computers and textbooks, but if there are no classrooms, what kind of environment are we providing?” tanong niya.

Ayon naman kay dating Senador Sonny Angara, na humalili kay Duterte bilang DepEd secretary noong Hulyo, ay kinikilala ng ahensya ang ulat ng COA at nakatuon ito sa pagtugon sa mga isyu. “We are committed to making extraordinary efforts to address these concerns. We see the low obligation rates and undelivered resources, and we know this cannot continue. We will change the system,” aniya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila