Wednesday, January 15, 2025

ALICE, ALIS? Quo Warranto Naka-Ambang Vs. ‘Hao Siao’ Tarlac Mayor

450

ALICE, ALIS? Quo Warranto Naka-Ambang Vs. ‘Hao Siao’ Tarlac Mayor

450

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Suportado nina Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. at Lanao del Sur 1st District Representative Zia Adiong ang pagsampa ng quo warranto case ng Office of the Solicitor General laban sa kontrobersyal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo kaugnay ng kanyang kaduda-dudang Filipino citizenship at posibleng pagkakaugnay sa illegal Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.

Ayon sa batas, ang quo warranto proceeding ay isang legal na proseso kung saan maaring hatulan kung may karapatan ang isang tao na humawak ng puwesto sa gobyerno at maaring mapawalang-bisa rin ito kung mapatunayang nilabang ang electoral process.

“Alam mo malaking garapalan na ito eh. Itong Bamban Mayor Alice Guo, [base] sa kanyang mga sagot, tignan natin kung talagang Pilipino ito. Hindi sya dapat maging mayor kung hindi mapatunayang Pilipino sya. Dapat lamang na tanggalin na ito bilang mayor,” saad ni Abante.

Aniya ni Abante, maaring bagong taktika ito ng Tsina para mauto ang mga Pilipino at mapasakamay ang bansa. “Ang China hindi lamang gustong kontrolin ang West Philippine Sea, pati buong Pilipinas ko-kontrolin na eh, even our universities,” saad niya.

Sang-ayon naman si Adiong sa pahayag na ito ni Abante at sinabing maraming nalabag na patakaran si Guo dahil sa kanyang pagkahalal bilang Mayor ng Bamban, Tarlac kahit na kulang ang kanyang mga dokumento para tumakbo sa pagka-alkalde.

Bulalas pa ni Adiong, nayuyurakan nito di umano ang ibang Pilipinong nagnanais na sumabak sa pulitika at maghatid ng tapat at serbisyong totoo sa bansa dahil nabibigyan ng tiyansang maging kawani ng gobyerno ang isang tao na hindi “natural-born Filipino citizen”.

Giniit din ni Adiong na hindi kaaya-ayang tignan na mabigyan ng pwesto sa pamahalaan ang isang indibidwal na hindi sigurado sa kanyang sariling katauhan.

“Nais lang ng OSG na maprotektahan iyong ating electoral processes na open lang ito sa natural-born Filipinos.”

Dahil dito, sinabi niyang kaisa niya ang Office of the Solicitor General sa masusing magsisiyasat sa mga dokumento at iba pang ebidensya na magapapakita ng tunay na identidad ni Guo.

Ang nasabing pagkilatis kay Guo ay alinsunod din sa naunang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos magkaroon ng mas malalim na pag-iimbestiga ang Senado para mahalukay ang totoong citizenship ng nasabing Bamban Tarlc Mayor at di umano’y pagkakaugnay rin nito sa POGO.

Photo credit: Facebook/hontiverosrisa

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila