Wednesday, February 19, 2025

ALVAREZ VS KONGRESO! Alvarez Sumabog Sa Galit, Sinampahan Ng Kaso Si Romualdez

102

ALVAREZ VS KONGRESO! Alvarez Sumabog Sa Galit, Sinampahan Ng Kaso Si Romualdez

102

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi napigilan ni dating Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang kanyang galit matapos siyang pagtaasan ng kilay nina House Majority Leader Mannix Dalipe, Rep. Pammy Zamora, at 1 Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez kaugnay ng kontrobersyal na P241 bilyong “insertion” sa 2025 national budget.

Sa isang matinding pasabog noong Pebrero 10, 2025, nagsampa ng kasong kriminal sa Office of the Ombudsman sina Alvarez, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Ferdie Topacio, at ang NGO na Citizens Crime Watch laban kay House Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Dalipe, Rep. Zaldy Co, at Rep. Stella Quimbo.

Paano nagkaroon ng P241 bilyon? Ayon kay Alvarez, ang Bicameral Report na inaprubahan ng Kongreso ay may “blanks” o mga bakanteng halaga na zero pesos. Pero pagdating sa final version ng General Appropriations Bill na pinirmahan ng Pangulo, biglang may P241 bilyong inilipat nang walang pahintulot ng Kongreso!

Nang lumabas ang isyu, agad bumwelta si Rep. Pammy Zamora sa isang panayam sa The Daily Guardian:

“It’s very ironic that Mr. Alvarez barely participated in the non-stop budget hearings that we’ve had for the 2025 budget, whether sa committee level or sa plenary. Wala naman siyang ni-raise na concern.”

Sumuporta rin kay Zamora si Majority Leader Dalipe:

“[Alvarez] had every opportunity to raise objections, question allocations, and point out any supposed infirmities during plenary discussions. Yet, he did not.”

Alvarez: “Magsalamin Kayo!” 

Hindi nagpatinag si Alvarez at matapang na sinupalpal ang kanyang mga kritiko:

“There is no such thing as legislative estoppel. My non-participation in the hearings did not give Romualdez and company the license to commit crimes. While we have to respect Rep. Zamora’s and Majority Leader Dalipe’s opinion, perhaps it would be wise for both of them to go back to law school.”

Dagdag pa niya: “Dagdag pa natin, paano ako makapag-participate, hindi ako member ng Bicameral Conference Committee diba? Doon sa Bicam Report ang problema, hindi sa NEP, at hindi sa GAB. Doon sa Bicam Report may blanks, rinatify ng Congress, tapos biglang may 241 bilyon pesos ang ipinasok kahit hindi it apprubado ng Congress. Krimen yan, at may mga makukulong.”

Hindi rin nagpaawat si Rep. Gutierrez na dumipensa sa pamunuan ng Kamara:

“It’s just really questionable po personally without going into the context na may prior redress naman po in the House na hindi naman po naitanong.”

Agad namang sinagot ito ni Alvarez:

““Naiintindihan natin na minsan tingin ng Congress korte sila, lasing sa kapangyarihan eh. Lalo na nung panahon ng QuadComm, kita niyo naman, ayaw lang sagot mo, contempt ka kaagad, ipakukulong ka pa sa Correctional Facility kahit na may detention area naman ang House of Representatives. Pero tandaan natin, judicial power belongs to the court, and not to Congress.”

‘Mabilis Ang Mga Pangyayari!

Ayon kay Alvarez, nalaman lang nila ang anomalya noong Enero 18, 2025, nang magsalita si Cong. Isidro Ungab. Matapos ang masusing pag-aaral kasama sina Bondoc, Topacio, at iba pang legal experts, naghanda sila ng reklamo sa loob lamang ng dalawang linggo.

“Noong February 8, nag Press Conference kami. At pagdating ng February 10, nag-file kami. Mabilis nga yung mga pangyayari.”

Photo credit: Office of Rep. Pantaleon D. Alvarez

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila