Wednesday, January 8, 2025

Anakbanwa Arts Residency, Inextend hanggang Setyembre 8

42

Anakbanwa Arts Residency, Inextend hanggang Setyembre 8

42

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inilunsad ni Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia ang Anakbanwa Arts Residency upang mabigyan ng pagkakataon ang mga napiling artists na ipakita ang kanilang talento at para mapabuti pa ito. 

“Sa proyektong ito, malayang ma-eexplore ng artist-in-residence ang ugnayan ng sining at komunidad habang tumutugon sa mga samu’t saring hamon ng lipunan. Chance nila ito para makipag-collab sa mga local artisans, craft makers, at emerging arts communities namin sa Pangasinan para makalikha ng mga site-specific works of art,” sabi ni De Venecia. 

“Layunin din ng Anakbanwa Arts Residency Project na mabigyan ng lugar at pagkakataon ang mga mapipiling artists na ma-level-up ang kanilang kakayahan sa kanilang larangan sa pamamagitan ng paglubog (immerse) sa creative community, kultura, at likas na yaman ng mga bayan ng Dagupan, Manaoag, Mangaldan, San Fabian, at San Jacinto Pangasinan,” dagdag ni De Venecia. 

Para makasali sa Anakbanwa Arts Residency, kailangan lamang magsumite ng curriculum vitae at mga sample works upang ito ay masuri. 

Ang mga mapipili ay may pagkakataon na manirahan sa Tondaligan Beach, Dagupan City, Pangasinan sa loob ng limang (5) linggo at mananalo ng mga sumusunod: magkakaroon ng Php 100,000.00 cash tax-free; Php 60,000 para sa mga travel expenses and other expenses para sa mga artists; Php 40,000 naman para sa mga materyales na gagamitin ng mga artists para sa proyekto. 

Inextend ng Committee on Creative Industry and Performing Arts sa Kamara ang proyekto ng Setyembre 8 para mas mabigyan pa ng pagkakataon ang ibang artists na makapag-apply. 

Photo Credit: Facebook/christopherdeveneciaCDV

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila