Sunday, May 19, 2024

‘Ang Bastos Naman!’ Mag-Asawang Cong. Arjo, Maine Mendoza Ipinagtanggol Ng Netizen

0

‘Ang Bastos Naman!’ Mag-Asawang Cong. Arjo, Maine Mendoza Ipinagtanggol Ng Netizen

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi nasiyahan ang mga netizens, lalo na ang mga tagahanga nina Quezon City First District Representative Arjo Atayde at Maine Mendoza, dahil inilihis ng TV Patrol news anchor na si Kabayan Noli De Castro ang atensyon mula sa kanilang kasal upang pag-usapan ang pinsalang dulot ng Super Typhoon Egay sa bansa.

Sa news segment na nagko-cover sa kasal, biglang inilipat ni Kabayan ang focus sa patuloy na epekto ng bagyong Egay, na sinundan ng bagyong Falcon. Aniya, direktang naapektuhan ng magkasunod na bagyo ang mga mahihirap, dahil hindi pa sila nakakabangon sa pananalasa ni Egay ay hahampasin nanaman sila ni Falcon.

“Kayo naman habang kinakasal, kawawa naman ang binagyo,” aniya.

Gayunpaman, ang mga pahayag ni Kabayan ay umani ng magkakaibang reaksyon at komento mula sa mga manonood. 

Narito ang ilan sa mga naging comment ng netizens:

“Ang bastos naman ni Kabayan. He should apologize to @mainedcm and Arjo. I didn’t get where the hatred was coming from….”

“Hindi naman, for me. More of nag-shift lang si Kabayan ng topic. While we’re happy for Arjo and Maine, marami rin talagang nasalanta ng bagyo. Nagkataon. At ako, regular listener ang tatay ko sa radyo, di lang talaga mahilig sa showbiz si Kabayan. He shifts topics agad.”

“Kabayan Noli, bakit parang kasalanan pa nila  @mainedcm at Arjo na bumagyo sa schedule ng kasal nila? Ano ba gusto mo mangyare, icancel nila tapos magbayad na naman sila uli?”

Photo credit: Facebook/arjoataydeofficial

President In Action

Metro Manila