Wednesday, January 22, 2025

‘Ang Gulo-Gulo Naman!’

42

‘Ang Gulo-Gulo Naman!’

42

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear Politico, 

Sumulat po ako kasi sobrang gulong-gulo na po ako sa nangyayari nitong mga nakaraan araw. Palitan na lang po kasi ng batuhan ng dumi ang Senate at HOR. 

Sabi ng HOR, inuupuan ng Senado ang deliberasyon ng mga panukalang tatalakay sa pagbabago ng Constitution. Sabi naman ng Senado, mga may personal na interes sa HOR ang pilit na nagsusulong nito dahil sa kasakiman sa kapangyarihan. 

Sabi pa nga ni Sen. Bato, Sen. Chiz, at Sen. Imee, si House Speaker Romualdez pa yung utak ng pirmahan at bilihan ng boto para dun sa People’s Initiative. Iba po ba ‘yung PI sa Charter Change? Saka dun sa Constitutional Convention o Con-Con? Meron pa pong Constitutional Assembly o Con-Ass di ba? Grabe, litong-lito na po talaga ako. Lahat po ba ito kailangan para mabagp ang konstitusyon? 

Pero may narinig din naman po ako na kongresista na nagsasabi na “good for the economy” ‘yung pag-amyenda sa konstitusyon. Sabi ni. Rep. Joey Salceda, ekonomiya ng bansa ang mas makikinabang sa pagbabago ng Saligang Batas. Narinig ko rin si Economic and Planning Secretary Arsenio Balisacan na suportado niya ang pagbabago ng SB. 

Sabi pa po ng mga senador, sa gustong paraan ng Kongreso sa pag-amyenda ng Konstitusyon, mawawala raw po ang check-and-balance ng Kongreso at Senado. Tapos sabi ng Kongreso naman, Senado lang ang takot na amyendahan ang Konstisuyon dahil kapit-tuko sila sa pwesto. 

Kung para naman po talaga sa mga Pilipino ang pag-amyenda sa Konstitusyon, bakit po sobrang gulo? Bakit po nag-aaway ‘yung mga gumagawa dapat ng batas natin? Bakit po di na lang sila magkasundo na Pilipino talaga yung makikinabang. 

Ang hirap dito, ang hirap na nga ng buhay, itong mga nasa pwesto at may kapangyarihan, hindi naman ginagawa ang mga trabaho nila at inuuna pa itong mga alitan na to at pagpapataasan ng ihi. 

Sana po sa susunod na araw, magkaroon na nawa ng magang development ang isyung ito kung saan ang bawat Juan ang tunay na panalo. 

 

Gumagalang, 

Peachie Paquiz

 

Photo credit: Facebook/senateph

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph.

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang yan sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila