Wednesday, December 4, 2024

ANG PAIT! UniTeam, Pang-2022 Elections Lang – VP Sara

1329

ANG PAIT! UniTeam, Pang-2022 Elections Lang – VP Sara

1329

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila kinumpirma ni Vice President Sara Duterte ang pagkakabuwag ng kanyang political alliance kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos sabihin na ang kanilang tandem, na kilala bilang UniTeam, ay binuo lamang para sa layuning manalo sa 2022 elections.

“Uniteam was the tandem during the 2022 elections. And then ngayon na tapos na ang elections, nanalo na kami. Nagpapasalamat kami sa aming kababayan sa kanilang suporta sa tandem ng Uniteam noong 2022,” pahayag ni Duterte sa media noong 126th Independence Day celebration sa Davao City.

Nang tanungin kung wala na talagang UniTeam, ang sagot ni Duterte ay, “We are not candidates anymore.”

Matatandaang nagsimula ang tensyon sa loob ng UniTeam noong 2023 nang tanggalin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos, si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang tungkulin bilang senior deputy speaker. Ito ang nagbunsod kay Duterte na umalis sa partido ni Romualdez, ang Lakas-CMD. Binawasan din ng Kamara na pinamumunuan ni Romualdez ang confidential fund ng Bise Presidente sa 2024 national budget.

Inakusahan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos ng paggamit ng droga sa isang rally sa Davao City nitong unang bahagi ng taon, na itinanggi naman ni Marcos. Matapos nito, hindi natuwa si First Lady Liza Araneta Marcos kay Vice President Duterte dahil sa pagtawa nito sa mga akusasyon ng kanyang ama.

Ipinahayag ni First Lady Liza ang kanyang hinanakit sa isang panayam, at binatikos ang Bise Presidente sa hindi pagtatanggol sa Pangulo laban sa mga akusasyon ng kanyang ama.

Inilarawan naman ni Pangulong Marcos ang kanyang relasyon sa mga Duterte bilang “komplikado” ngunit nanindigan na ang kanyang working relationship kay Vice President Duterte ay hindi nagbabago.

Photo credit: Facebook/uniteamofficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila