Sunday, January 19, 2025

Angara: Pagbibigay Ng Ayuda, Trabaho Sa Mga Apektado Ng Oil Spill Bilisan

3

Angara: Pagbibigay Ng Ayuda, Trabaho Sa Mga Apektado Ng Oil Spill Bilisan

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senador Sonny Angara sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siguraduhin na makakatanggap ng assistance ang mga apektadong pamilya sa oil spill dahil sa paglubog ng MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Bilang Chairman ng Committee na nagpupulong sa taunang budget ng pamahalaan, binanggit niya na ang P5.268-trilyong General Appropriations Act of 2023 ay mayroong P37 billion para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSFIDC) ng Social Welfare department na maaaring ilaan para sa assistance ng mga apektadong pamilya.

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na parte ng PSFIDC ay maaaring sakop ng sitwasyon sa Oriental Mindoro base sa pamantayan galing sa DSWD.

“The AICS covers a broad set of beneficiaries who are in a state of active crisis or crisis situation and that is precisely what has befallen the residents of the nine municipalities of Oriental Mindoro with this massive environmental disaster,” pahayag ni Angara.

“Most of the affected municipalities are coastal communities whose residents rely on fishing as their primary source of livelihood and with the suspension of all fishing activities there, the families are faced with uncertainty over how to put food on their tables. This is where government can step in with its programs on cash aid and emergency employment,” aniya. 

Idineklara ang state of calamity sa 77 coastal village sa Oriental Mindoro. Base sa datos ng DSWD, higit sa 19,500 na pamilya ang apektado ng oil spill.

Hinimok din ni Angara ang DSWD na bilisan ang pagbibigay AICS sa mga apektadong pamilya para makatulong sa pangangailangan gaya ng pagkain, transportasyon at medical services.

Mula sa initial P20 bilyon na iminungkahi ng Malacañang para sa PSFIDC sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program, itinaas ng Kongreso ang halaga nang P17 billion para makapagbigay ang DSWD ng mas maraming disadvantaged na Pilipino na nangangailangan ng pansamantalang tulong. 

Bukod sa AICS, sinabi rin ni Angara na ang Department of Labor and Employment ay dapat magbigay ng emergency employment sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Sa ilalim ng TUPAD program, ang emergency employment sa mga displaced, unemployed, at seasonal workers ay aabot ng 10 hanggang 30 na araw.

“Isa sa nakikita kong pwedeng trabaho na ibigay sa mga residente ng Oriental Mindoro ay ang paglinis ng nagkalat na langis sa lugar nila. Sa pamamagitan ng TUPAD, kikita na sila,  makatutulong pa sa pagbabalik normal, hindi lang ng kani-kanilang pamumuhay kundi ng kanilang buong komunidad,” aniya. 

Photo credit: Facebook/orminpio

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila