Sunday, December 22, 2024

Angat Buhay, Bagsak Gobyerno

42

Angat Buhay, Bagsak Gobyerno

42

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi natin maikakaila ang naging papel ng mga ordinaryong mamamayan at kanilang bolunterismo sa gitna ng pandemya. Mula sa mga nagsusulputang community pantry, mga organisasyong nagsasagawa ng donation drives, at marami pang iba. Kaya naman, ikinagalak ko nang i-anunsyo ni dating Bise Presidente Leni Robredo ang pagtatag ng Angat Buhay Foundation bilang isang ganap na non-government organization (NGO). Kitang-kita pa rin sa mga Pilipino ang espirito ng bayanihan at pakikipagkapwa tao.

Noong panahon ng pangangampanya para sa 2022 national elections, nakita natin ang kakayahan ng kampo ni Robredo na mag-organisa at magtipon ng mga boluntaryo na bahagi ng Angat Buhay Youth at Team Leni Robredo, kung saan ay nakalikom sila ng mahigit Php 3 million para sa pagpapagawa ng mga nasirang tahanan dulot ng Typhoon Odette noong Pebrero 2021.

Napatanong tuloy ang marami dahil dito: kung kaya naman na pala ng mga ordinaryong mamamayan tumugon sa pangagailangan ng bansa, para saan pa ang gobyerno? Madalas ay nagiging biruan pa sa social media na tayo-tayo lang din pala ang magtutulungan dito, bakit pa tayo nagbabayad ng buwis? May mga biro rin noon na kung ang mga kabataan na lamang daw ang nag-organisa ng vaccination drive ay baka wala pang tatlong buwan tapos na ito, may pa-DP blast at afterparty pa.

Ngunit kung ating susuriin nang mabuti, ang nangyayari sa ating bansa ay isang penomena na tinatawag na “strong society, weak state”.  Ngayong sunod-sunod ang mga balita tungkol sa mga expired na vaccines at hindi maayos na pangangasiwa ng badyet para rito. Ang pagiging tanyag nga ba ng Angat Buhay Foundation at Bayanihan E-konsulta ay isang manipestasyon na mahina ang nanunungkulang administrasyon?

Kung gaano ako natuwa aktibong bolunterismo sa ating bansa ay siya ring aking ikinatakot dahil sa mga panganib nitong kaakibat. 

Ang NGO-ification ng mga basic social services ay maaaring magdulot ng pag-asa para sa nakararami na dapat ay pangunahing tungkulin ng ating gobyerno ngunit mapapaisip na kapag hindi natugunan ang isang responsibilidad na kabilang dito, sino nga ba ang mananagot? NGO o Gobyerno? Dahil malaki ang posibilidad na tila mawalan ng pananagutan ang gobyerno para sa kanilang mga tungkulin.

Ipagdiwang natin ang pag-usbong ng makabagong bayanihan sa ika-21 na siglo sa Pilipinas. Ngunit paalala lamang na may iniluklok tayong mga opisyal na dapat ay namumuno nito. Ang pag-usbong ng mga NGO ay isa lamang hamon para sa administrasyon na paigtingin pa ang kanilang serbisyo dahil hindi natin pwedeng i-asa sa ating mga sarili ang pagtutok sa mga programang pinaglalaanan ng ating mga buwis. 

Photo Credit: Facebook/angatbuhaypilipinas

Disclaimer: The opinions expressed in this article are the author’s own and do not reflect the view of POLITICO.PH

ABOUT THE AUTHOR

John Gabriell B. Garcia is an intern at PageOne under Politico.ph. He is a Broadcast Media Arts and Studies Major from the University of the Philippines Diliman, with a passion in marketing, advertising, PR, and promotions. He has taken up several executive positions in various student organizations and student publications. His My passion lies in analyzing and contextualizing the LGBTQIA+ community in media. His advocacies include LGBTQIA+ rights and press freedom.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila