Muling sinusog ni Akbayan Representative Perci Cendaña ang laban para sa LGBTQI+ rights habang inulan ng kritisismo si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y anti-gay remarks nito. Ayon kay Cendaña, kailangang magkaisa kontra-diskriminasyon lalo na kung ito’y nagmumula sa pinakamataas na opisina ng gobyerno.
“The threat and evils of stigma and discrimination remain clear and present. Our first step forward is to never stop persisting,” aniya sa LGUs4Equality Conference, isang event na inorginasa ng Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY) at German Embassy sa Manila.
Nais ng conference na isulong ang LGBTQI+ inclusion sa local governance at paigtingin pa ang implementation ng anti-discrimination policies.
Highlight ng adbokasiya ng mambabatas ang pag-file ng House Bill 11005 o Right to Care Bill, na layong bigyan ng kapangyarihan ang queer couples na gumawa ng medical decisions para sa kanilang partners gamit ang RTC (Right to Care) card.
Sa ilalim ng LGUs4Equality Project, anim na local governments kabilang ang Pasay, Batangas City, at Zamboanga City ang puspusang magpapatupad ng anti-discrimination ordinances para protektahan ang LGBTQI+ community. Suportado rin ito ng German Embassy, na nag-develop ng monitoring toolkits para sa maayos na PAGPAPATUPADng mga ordinansa.
“Balik tayo sa core values natin—respeto, hustisya, at karapatang pantao,” ani Cendaña sa kanyang pagtatapos.
Photo credit: Facebook/AkbayanParty, Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial