Matunog ang panawagan ng Akbayan Partylist sa kanilang ika-27 anibersaryo: isang progresibong alternatibo laban sa umano’y dinastiyang Marcos-Duterte na nagdudulot ng katiwalian, abuso, at kawalan ng hustisya.
Sa temang “Mag-Akbayan Na! Mahalin ang Kapwa at Bansa,” binigyang-diin ng selebrasyon ang panawagan ng partido para sa katarungan, pananagutan, at makabuluhang reporma.
Tanggihan Ang Pulitika Ng Sariling Interes
Sa pagbubukas ng programa, nangalampag si Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña, hinikayat ang publiko na ipakita ang pagmamahal sa bayan sa pagtanggi sa pulitika ng pansariling kapakanan.
“Our vision for a progressive alternative is clear: a decisive victory in the upcoming midterm elections to secure more progressive and opposition seats in the local government, Congress, and the Senate; the impeachment of Vice President Sara Duterte; the prosecution of former President Rodrigo Duterte and his accomplices by the International Criminal Court (ICC) for the bloody drug war; urgent budget reforms to safeguard public funds; and relief from skyrocketing prices of oil, food, and transportation,” ani Cendaña.
Labanan Ang Katiwalian at Disimpormasyon
Sa kanyang keynote address, binigyang-diin ni Atty. Chel Diokno, Akbayan first nominee, ang banta ng disimpormasyon sa mga progresibong batas tulad ng Anti-Teenage Pregnancy Bill na pilit sinisiraan.
“We cannot allow lies to prevail. We must champion laws and programs that restore dignity and opportunity to every Filipino, especially the youth and women,” ani Diokno.
Panawagan Ni Diokno
Hindi rin pinalampas ni Diokno ang mataas na presyo ng langis, bigas, at pasahe. Ayon sa kanya, kailangang ituon ng gobyerno ang atensyon sa tunay na pangangailangan ng bawat Pilipino.
Pag-asa sa Kapayapaan at Kaunlaran
Binanggit naman ni Akbayan Third Nominee Dadah Kiram Ismulah ang kaguluhan sa Basilan na sumira sa selebrasyon ng BARMM. Ayon sa kanya, ang kapayapaan sa Mindanao ay susi sa pagkakaisa ng buong bansa.
Nagtipon ang halos 300 tagasuporta mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at online. Tampok ang mensahe mula kina Senator Risa Hontiveros at Justice Antonio Carpio, pati na rin ang satire act ni Inday Tasha, na bumatikos sa isyu ng confidential funds at impeachment complaints gamit ang talas at katatawanan.
Photo credit: Facebook/AkbayanParty