Sunday, July 14, 2024

Aprub At Pinagkakatiwalaan! PBBM, VP Sara Mataas Ang Ratings

0

Aprub At Pinagkakatiwalaan! PBBM, VP Sara Mataas Ang Ratings

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nakatanggap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte ng high approval at trust ratings mula sa publiko, ayon sa isang survey.

Sa isang public sentiment survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na “Boses ng Bayan,” nakakuha si Marcos ng 82% na approval score, at 86% naman kay Duterte.

Dagdag pa nito, nakakuha rin sila ng matataas na porsyento ng public trust. Sa loob ng isang taon, umani ang pangulo ng 86% public trust rating, at 90% naman ang nakuha ng pangalawang pangulo. 

Ang  “Boses ng Bayan” ay isang independent at non-commissioned public sentiment survey na isinagawa mula June 25, 2023  hanggang July 5, 2023 na inilabas noong July 20, 2023. 

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

President In Action

Metro Manila