Saturday, January 11, 2025

Arangkada! La Union Gov. Ortega-David, Namahagi Ng Sasakyan Sa Burgos

33

Arangkada! La Union Gov. Ortega-David, Namahagi Ng Sasakyan Sa Burgos

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa isang hakbang na talagang magpapabilis at magpapadali sa paghatid ng serbisyo sa bawat sulok ng bayan ng Burgos, La Union, ipinamahagi ni Governor Rafy Ortega-David ang mga bagong multi-purpose vehicles sa 12 barangay nito.

“Napakalaking tulong po nito sa ating mga LGUs dahil mas magiging maayos at mapapabilis po natin ang ating pagbigay ng serbisyo sa ating mga KaPROBINSYAnihan,” pahayag niya sa social media.

Hindi rin nagpapahuli ang gobernadora sa pagpapakita ng kanyang dedikasyon sa bayan, “Alalahanin ninyo, para po ito sa buong barangay ninyo! Hindi lamang para kay kapitan o sa mga barangay officials, kundi bawat kababayan natin sa Burgos ay maaaring makigamit at makinabang dito.”

Sinabi pa niya, “All of these are a product of our commitment in bringing these services to our people. Agtul-tuloy kami nga amangipaay ti serbisyo kadakayo.”

Nagpapasalamat din si Ortega-David kay Mayor Delfin Comedis sa suporta at pagtanggap ng proyektong ito. Hindi rin niya nakalimutan ang pasasalamat sa mga kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan na sina BM Cynthia Bacurnay, BM Bronson Rivera, BM Ruperto Rillera Jr., at BM Henry Balbin na nagbigay ng kanilang suporta sa nasabing distribusyon.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila