Wednesday, January 22, 2025

Arroyo-Robredo? Bagong Tandem sa Susunod na Eleksyon?

15

Arroyo-Robredo? Bagong Tandem sa Susunod na Eleksyon?

15

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nag-trending sa social media si Deputy House Speaker Gloria Arroyo at dating Vice President Leni Robredo matapos kumalat ang kanilang litrato noong Setyembre 6, 2023. 

Naglabas naman ng pahayag si Arroyo at kinumpirma na magkasama sila ni Robredo sa isang “social dinner” kung saan kasama rin nila ang iba pang mga kaibigan. Nilanaw rin niya kung ano ang kanilang pinag-usapan. 

“I recently had a social dinner with former vice president Leni Robredo and mutual friends from Bicol. We chatted about Bicol politics,” pahayag ni Arroyo.

Ang litrato ay ipinost ni Alita Mercado, ina ni San Pedro Laguna Mayor Art Mercado. Sa kanyang post, makikita na nag-enjoy sila sa nasabing social dinner. 

“What a wonderful night with my Kumadres…Judy, Pearl, FPGMA & FVP Leni Robredo,” aniya sa caption ng post.

Halo-halo ang naging reaksyon ng netizen sa kumakalat na larawan. Ang iba ay natuwa sa posibilidad na tandem ng dalawa sa 2028. Ngunit madami rin ang nangangamba at nagsasabing hindi magandang ka-tandem si Arroyo dahil ito ay isang trapo. Gayundin, pina-alalahanan ng mga taga suporta ni Robredo na dapat siyang mag-ingat kay Arroyo. 

Samantala, nakasama rin ni Arroyo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte kasama sina Senador Bato Dela Rosa, Bong Go, at dating Senate President Tito Sotto ngayong linggo.

Photo credit: Facebook/alita.mercado

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila