Friday, January 17, 2025

Ayuda, Digital Payout Isama Sa 2023 Budget – Cayetano

3

Ayuda, Digital Payout Isama Sa 2023 Budget – Cayetano

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling iminungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano na magkaroon ng ayuda para sa bawat pamilyang Pilipino sa ilalim ng 2023 National Budget.

“Let’s study it this year, maybe for [the] 2023 [budget] because in 2024, we might not even need it,” aniya nang i-presenta ng Senate Committee on Finance sa plenaryo ang panukalang budget para sa Department of Budget and Management.

Ipinunto ni Cayetano na ang pagbibigay ng ayuda ay upang tuunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang banta ng pandemya kung saan nararamdaman ng mga Pilipino ang “mataas na presyo, kawalan ng trabaho, maliit na kita.”

Giit niya, mas mapapadali ang pagbibigay ng ayuda kung direkta nang ibibigay ng gobyerno imbes na nakakalat sa iba’t ibang ahensya at mga programa.

“We have 200 billion [pesos] in various agencies. Ibig sabihin, may pera. So the question is, how do we get them to the people?” ayon sa mambabatas.

“Hindi ba natin pinapahirapan ang buhay natin sa gobyerno by putting it in different agencies at ang buhay ng Pilipino na kanya-kanya silang apply sa bawat ahensya? And dami pang requirements, pabalik-balik sila,” pahayag niya.

Dadag pa ni Cayetano, makakatipid pa ang gobyerno sa ganitong paraan dahil matatanggal ang mga administrative na gastos na karaniwang nasa tatlo hanggang walong porsyento ng nakalaang pondo.

“If we simply directly help [the people], i-diretso sa LGU at pamilya, nakatipid na tayo sa administrative costs, masisigurado pang hindi doble at lahat mabibigyan at madali nilang makukuha kahit two or three gives,” sabi niya.

Muli ring iminungkahi ni Cayetano sa Department of Information and Communications Technology at sa economic team ng gobyerno na gumawa ng e-payout system. Aniya, mababawasan ng computer algorithms ang pamumulitika” at korapsyon na nangyayari sa tradisyunal na bigayan ng ayuda.

“Let it be as simple as kunan ko ng picture y’ung prescription tapos kung verified naman y’ung app mo, send it to them, then GCash nila y’ung voucher at kahit saang drugstore pwede nang ipambili,” aniya.

“Part of growing our democracy is empowering our people and one way of doing that is to take away politics by using algorithms. It doesn’t look at your political color, whether you are from Luzon, Visayas, or Mindanao, whether you are old or young,” dagdag pa ng senador.

Ipinakula niya sa Senado noong Hulyo ang “Sampung Libong Pag-asa Bill” kung saan ipapamigay ang P10,000 ayuda sa bawat pamilyang Pilipino sa gitna ng pandemic.

Sa 18th Congress, ipinanukala rin ni Cayetano ang House Bill No. 8597 o ang “10k Ayuda Bill” na naglalayong mamahagi ng P10,000 sa bawat pamilya o P1,500 sa bawat miyembro ng pamilya noong siya ay kongresista ng Taguig-Pateros.

“Rather than put 18 or 19 billion (pesos) in Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), for example, bakit hindi na lang natin ibigay nang diretso na P10,000 bawat pamilya?” pahayag niya.

Photo Credit: Philippine News Agency

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila