Thursday, May 2, 2024

Bad Shot Na! First Lady Aminadong Nasaktan Sa Ikinilos Ni VP Sara Sa Prayer Rally

171

Bad Shot Na! First Lady Aminadong Nasaktan Sa Ikinilos Ni VP Sara Sa Prayer Rally

171

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing sinabi ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nasaktan siya sa naging reaksyon ni Vice President Sara Duterte matapos tawaging bangag at adik ang kanyang asawa at presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Sa isang interview sa “Tune in Kay Tunying,” inamin ni First Lady Marcos na hindi niya nagustuhan ang ikinilos ni Duterte noong nakaraang rally laban sa presidente.

Enero 28, maalalang nagkaroon ng prayer rally sa Davao City kung saan dumalo si former president Rodrigo Duterte at kanyang anak na si VP Sara Duterte.

Sa rally na ito, nagkaroon ng saloobin ang former president at sinabing si Marcos raw ay bangang at gumagamit ng ipinagbabawal na droga na nakakaapekto sa kanyang kilos bilang presidente ng bansa.

“Si Bongbong Marcos, bangang noon [kahit] ngayong presidente na. Bangag ang presidente! […] May drug addict tayo na presidente,” pahayag ni ex-president Duterte.

Ayon kay First Lady, imposibleng hindi ito narinig ni VP Sara dahil nakitang nandoon din siya sa rally at may nakapagsabi sa kanya na tumawa pa raw ang bise presidente nang narinig niya ang patama ng kanyang ama.

Dahil dito, sumama ang loob ni First Lady at sinabing hindi maganda ang inasal ni VP Sara lalo na’t laging nagpapakita ng suporta ang pamilya Marcos sa kanya at sa pamilyang Duterte.

“Pupunta ka sa rally, tatawagin ‘yung Presidente mong ‘bangag,’ ‘di ba, you’re going to laugh? Tama ba ‘yan? Even Leni [Robredo] never did that,” sabi ni First Lady Marcos.

Dagdag pa niya, “bad shot” na ang bise presidente sa kanya dahil aniya, ginawa nila ang lahat para protektahan ang kanyang pangalan. Para sa kanya, walang nagawa ang bise presidente para ipagtanggol ang presidente sa paninira ng kanyang ama.

Noong mga nakaraang buwan, maalalang napansin ng netizens ang tila hindi pagpansin ng First Lady kay VP Sara sa departure ceremony nilang mag-asawa papuntang Vietnam, isang araw matapos ang nasabing prayer rally.

Dahil sa mainit na usaping ito, natanong na rin ang presidente kung kumusta nga ba ang lagay nila ng bise presidente at ng angkang Duterte. Ayon sa kanyang pahayag, “It’s complicated” ang relasyon niya sa mga Duterte pero ang working relationship niya kay VP Sara ay hindi nagbabago.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial, Facebook/fl.lizamarcos

President In Action

Metro Manila