Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapalawak sa usapin tungkol sa “cease operation” issue ng Sofitel Philippine Plaza Manila. Kahapon, June 30 ay tuluyan na ngang namaalam sa publiko ang nasabing hotel matapos ang halos 50 taon mula pa noong panahon ng dating pangalan nito na Westin Philippine Plaza.
Kasabay nito, opisyal na inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 1059 sa Senado bilang tugon sa pagsasara ng nasabing hotel.
Matatandaang napagpasyahan ng pamunuan ng Sofitel ang permanenteng pag-shutdown ng kanilang operasyon dahil sa umano’y “safety issues.”
“This decision comes as part of our ongoing commitment to providing our guests and colleagues with the best possible experience,” pahayag ng Accor, ang kasalukuyang humahawak sa Sofitel.
Naalarma si Hontiveros at iba na ring organisasyon tulad ng National Union of Workers in Hotel and Restaurant and Allied Industries (NUWHRAIN) sa nasabing isyu at iminungkahing pag-aralan itong mabuti lalo na’t maraming Pilipino manggagawa ang mawawalan ng trabaho.
“The impending closure of Sofitel Philippine Plaza has raised significant concerns among its employees and their representatives. We call for greater transparency from PPHI and demand answers regarding the true reasons behind this decision,” saad ni niya.
Dagdag pa ng senadora, hindi lamang ito makakaapekto sa business sector ng bansa ngunit maari ring maging lamat sa mga batas at patakaran para sa mga manggagawang Pilipino.
“We must listen to the employees’ legitimate concerns. Hindi ito pwedeng isawalang-bahala lang.”
Kaugnay nito, umaaksyon na aniya ang Department of Labor and Employment at ang National Conciliation and Mediation Board upang magkaroon ng hearing upang mapag-usapan ang mga concerns sa isyu na ito.