Unti-unting nagkakakulay ang pagbabalik-politika ni dating Vice President Leni Robredo matapos ihayag ng kanyang spokesperson na si Atty. Barry Gutierrez, ang kanyang pagiging bukas na tumakbo sa 2025 elections.
Ibinunyag ni Gutierrez sa isang panayam sa TV na aktibong pinag-iisipan ni Robredo ang pagtakbo sa isang posisyon sa ekesyon sa susunod na taon.
Ang kanyang potensyal na kandidatura ay lumutang sa gitna ng mga talakayan tungkol sa mga potensyal na standard bearer ng oposisyon.
Ayon kay Liberal Party spokesperson at dating senador Leila de Lima, nakikipag-usap pa rin sila sa kampo ni Robredo tungkol sa kanyang mga plano para sa 2025 elections.
Inihayag din ni de Lima na tatlong kilalang tao ang napili para kumatawan para sa interes ng oposisyon sa Senado: sina dating senador Francis Pangilinan at Bam Aquino, at human rights lawyer na si Chel Diokno.
Photo credit: Facebook/VPLeniRobredoPH