Thursday, November 21, 2024

BARDAGULAN QUEEN! Guanzon, Handa Na Sa Laban Sa Kongreso

2397

BARDAGULAN QUEEN! Guanzon, Handa Na Sa Laban Sa Kongreso

2397

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi pa tapos si dating Comelec commissioner Rowena Guanzon! Matapos ang pag-file ng kanyang COC para sa P3PWD party-list noong Linggo, October 6, isang walang prenong tirada ang binitawan ni Guanzon, na umabot ng higit 30 minuto—malayo sa 10-minute rule na ipinatutupad ng Comelec para sa lahat ng kandidato.

Bagama’t binawalan na siyang maupo bilang kinatawan ng P3PWD party-list noong 2022 dahil sa isang petisyon ni Ronald Cardema, pinanindigan ni Guanzon na “personal na paghihiganti” lang daw ito. Aniya, siya ang “nagbabayad ng pinakamalaking presyo” dahil sa pagsuporta niya kay Leni Robredo.

Inulan ng batikos si Guanzon dahil sa umano’y “backdoor” move niya sa Kongreso, bagay na minsan na niyang tinutulan nang subukang gawin ito ni Cardema noong 2019 para sa Duterte Youth. Pero ngayon, ginamit din niya ang parehong paraan.

Bagama’t bakante pa rin ang P3PWD seat, nagtanong ang ilan kung bakit hindi na lang binalik ang orihinal na nominees. Sinabi ni Guanzon na ang unang nominee ay hindi makaupo dahil sa stage 4 cancer ng kanyang anak, ngunit nanatiling tahimik sa iba pang nominees.

Sa kanyang 30-minute off-script rant, binanatan ni Rowena Guanzon ang kalagayan ng electoral system ng bansa at iginiit na wala siyang personal na galit kay Pangulong Marcos at hiniling pa ang tagumpay nito sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa. Pinuri pa niya ang hindi pagsuko ni Marcos sa usapin ng West Philippine Sea laban sa China.

Hindi rin pinalampas ni Guanzon ang ilang nasa Kongreso na may district seat pero may party-list din. Ipinangako niyang dadalhin ang kanyang estilo ng bardagulan sa Kongreso kung sakaling manalo ang kanyang party-list group, na maghahatid ng mga reporma at laban para sa marginalized sector.

Sa huli, sinabi ni Guanzon: “This is my fucking country. I’m staying here. I’m fighting for my country.”

Photo credit: Facebook/comelec.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila