Wednesday, January 22, 2025

Bastos! Zubiri Umalma Sa Kumakalat Na Blasphemous Video Ng Isang Drag Queen

9

Bastos! Zubiri Umalma Sa Kumakalat Na Blasphemous Video Ng Isang Drag Queen

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing kinundena ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang blasphemous video ni drag queen Pura Luka Vega kumalat sa social media kung saan aniya ay binabastos ang dasal na “Ama Namin” o ang “The Lord’s Prayer.”

“Ang unang reaksyon ko sa video na ito ay matinding pagkadismaya at galit,” pahayag ni Zubiri sa social media.

“Naniniwala ako na ito na marahil ang pinakamalalang pag-abuso sa ating freedom of expression dahil habang pinapanood natin ang video, hindi ba’t parang krimen na ang ating nasasaksihan? Sobra ang pambabastos sa ating mga kapatid na Kristiyano at lubos ang paglapastangan sa pananampalataya ng milyon milyong Pilipino.”  

Binigyang diin din niya na hindi lamang mga Kristiyano ang dapat na kumundena rito at pati na rin ang lahat ng mamamayan, anuman ang relihiyon, sapagkat hindi dapat na nilalapastangan ang kanilang pananampalataya para lamang sa pansariling interes o para gawing katatawanan.

Ayon pa sa kaniya, pinaghahanap na ang pinagmulan ng naturang video, at anumang impormasyon tungkol sa lugar ng pinangyarihan nito. At pinag aaralan na rin ang mga batas na posibleng nalabag sa pinangyarihang lugar nito.

Ipinahayag niya na maaaring magsampa ng kaukulang reklamo sa ilalim ng Article 201 ng Revised Penal Code, na naglalayong parusahan ang mga taong makakasakit sa kahit anong lahi or relihiyon sa pagpapalabas ng malalaswa o mahalay na play, eksena, o palabas sa entablado, fairs o iba pang lugar. 

Hinikayat niya rin ang awtoridad na masusing pag-aralan ang naturang blasphemous video.

Humiling naman siya na huwag nang maulit pa ang pangyayari at nanawagang igalang ang paniniwala ng bawat isa, mapa relihiyon man o sa ibang bagay. 

Photo credit: Twitter/ama_survivah

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila