Pinirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang “Eddie Garcia Law” para mabigyan ng proteksyon ang mga empleyado sa movie and television industry.
Matapos isulong sa Kongreso noong mga nakaraang buwan, pormal nang pinirmahan ng pangulo ang batas na makakatulong sa mga nagtatrabaho sa television at movie industry matapos maaksidente ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa isang taping noong June 2019, na naging sanhi rin ng kanyang pagpanaw.
Hango sa kanyang movie screen name, ang batas na ito ay ay nag-uutos sa pagpapatupad work hours, wages-related benefits, social security at welfare benefits, basic necessities, health and safety, working conditions and standards, at insurance.
“No agreement or employment contract shall discriminate against a worker who has contracts or projects with other production outfits unless exclusivity is specified in the contract, nor shall any person perform any act involving preference based on race, color, descent, national or ethnic origin, or religion, which has the purpose or effect of nullifying the recognition, enjoyment, or exercise on an equal footing of any human right or fundamental freedom,” ayon dito.
Bukod sa mga pagpapalawak ng entertainment industry sa bansa, inihayag ni Marcos na nais niyang magkaroon ng “upskilling and reskilling” sa mga empleyado sa bansa sa pamamagitan ng karagdagang training at standard working conditions.
Matatandaang ang Eddie Garcia Law ay isinulong ng mga senador dahil anila kailangang magkaroon ng ligtas na kapaligiran sa mga shooting grounds upang maiwasan ang sakuna sa nasabing industriya.
Ayon sa pahayag ng pangunahing nagsulong nito na si Senador Lito Lapid, malaki ang maitutulong ng entertainment industry sa bansa kaya marapat lang na magkaroon ito ng batas na mangangalaga sa mga nasa industriyang ito.
“Kakaiba po ang kalakaran sa entertainment industry. Normal na po ang mahabang oras ng pagtatrabaho sa shooting. Karamihan sa maliliit nating manggagawa ay maliit lang po ang naiuuwing sahod, hindi katulad ng malalaking actor sa industriya.”