Opisyal nang inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Sabado ang inisyal na listahan ng mga aprubadong online campaign platforms para sa 29 na kandidato sa Senado at 85 party-list groups na sasabak sa 2025 midterm elections.
Sa isang post sa social media, inanunsyo ng COMELEC na pasado na ang paggamit ng mga sikat na social media platforms gaya ng Facebook, X (dating Twitter), at Instagram ng mga kandidato at party-list groups na sumunod sa mga itinakdang registration requirements.
“The Commission En Banc has approved the registrations of online campaign platforms of fully compliant candidates and parties in the 2025 National and Local Elections and BARMM Parliamentary Elections under Comelec Minute Resolution No. 25-0167 dated 7 February 2025,” ayon sa pahayag ng COMELEC.
Sino-Sino Ang Pasok Sa Listahan?
Narito ang ilan sa mga kandidatong aprubado na para sa online campaigning:
- Adonis Ronaldo Mangampo
- Jocelyn Santos Andamo
- Paolo Benigno “Bam” Aquino
- Ronnel Gondraneos Arambulo
- James Patrick Romero Bondoc
- Ramon “Bong” Revilla Jr.
- Bonifacio Laqui Bosita
- Arlene Duran Brosas
- Francisca Lustina Castro
- David Delano D’Angelo
- Angelo Castro De Alban
- Ronald “Bato” Dela Rosa
- Eufimia Pet Doringo
- Modesto Toque Floranda
- Christopher Lawrence “Bong” Go
- Jesus Jr. Villanueva Hinlo
- Wilbert Te Lee
- Almirah Ali Lidasan
- Rodante Dizon Marcoleta
- Maria Imelda “Imee” Romualdez Marcos
- Norman Cordero Marquez
- Liza Largoza Maza
- Francis Pancratius Nepomuceno Pangilinan
- Apollo Carreon Quiboloy
- Danilo Hernandez Ramos
- Wilfredo Buendia Revillame
- Francis Ng Tolentino
- Bienvenido Teshiba Tulfo
- Erwin Teshiba Tulfo
Ang kumpletong listahan ng kanilang official online campaign platforms ay makikita sa COMELEC website sa seksyong “Approved Online Platforms – Senators.”
85 Party-List Groups Aprubado Rin!
Bukod sa mga senador, binigyang-daan din ng COMELEC ang online campaign platforms ng 85 party-list organizations, kabilang ang:
- 4Ps
- FPJ Panday Bayanihan
- Kabataan
- ML
- Bicol Saro
- Ipatupad
- Patrol
- United Senior Citizens
- Epanaw Sambayanan
- Ako Padayon
Para sa buong listahan, bisitahin ang COMELEC website sa seksyong “Approved Online Platforms – Partylist.”
Opisyal nang nagsimula ang campaign period para sa national positions noong Pebrero 11 at tatagal ito hanggang Mayo 10, 2025!