Monday, October 14, 2024

BAWAL UMEKSENA! 36K Pulis Mahigpit Na Bantay Sa Mainit Na COC Filing

819

BAWAL UMEKSENA! 36K Pulis Mahigpit Na Bantay Sa Mainit Na COC Filing

819

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na magde-deploy sila ng 36,000 pulis upang siguruhin ang kaligtasan at kaayusan sa filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa May 2025 midterm elections.

Nagsimula noong Oktubre 1 at magtatapos sa Oktubre 8 ang filing ng COCs. Ayon kay PNP Spokesperson Co. Jean Fajardo magiging mas mahigpit ang seguridad, lalo na sa mga strategic areas na may mga checkpoint.

“Hindi na lamang ‘yung mga kandidato ang babantayan diyan, siyempre ‘yung mga kaanak pati kanilang mga supporters gaya ng sinabi natin na kapag local elections mas mainit yan sa national election kaya yan ‘yung tinitingnan diyan,” saad ni Fajardo. 

“The Chief PNP (Gen. Rommel Francisco Marbil) also wants to keep a close watch on potential PAGs (Private Armed Groups) which can be used to sow violence. The order of our Chief PNP is to make sure that these potential PAGs won’t be used especially at this early stage of filing of candidacy,” dagdag pa niya. 

Pinaalalahanan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na tutukan din ang posibleng paggamit ng mga Private Armed Groups (PAGs) para makalikha ng kaguluhan, lalo na sa filing period. Kasama rito ang mahigpit na pagbabantay ng National Capital Region Police Office na magtatalaga ng 1,389 pulis sa Metro Manila para sa crowd control at traffic management.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11045, pinapayagan lamang ang mga kandidato na magsama ng tatlo hanggang apat na tao sa COC filing upang mapanatili ang kaayusan. 

Photo credit: PNP PRO-5 Public Information Office via Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila