Thursday, November 21, 2024

‘Big Brother’ Needs Protection?

21

‘Big Brother’ Needs Protection?

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mga KapNoy, aba! aba! Si PBBM (President Big Brother Marcos) ay prinoprotektahan ni Sis Sen Imee Marcos (SIM)?

Sa unang dinig… o basa, parang natural lang, normal lang sa magkapatid ang mag-proteksyunan. Dapat din naman ‘yan sa pamilyang nagmamahalan. 

Pero sa sitwasyong PBBM at SIM, parang asiwa. 

Una, sa pangkaraniwang nakasanayan, lalake ang nagpo-proteksyon sa babae. Mawalang galang na po, ang mensaheng nakararating sa mga KapNoy natin, si babae ang mas may kakayahang proteksyunan si lalake? – presidente pa man din. Asiwa ‘di ba?

Kailangan daw punahin ni SIM ang ilang mga polisiya ni PBBM, baka daw kasi mabulilyaso!

Mga KapNoy, para yatang masakit pakinggan ang pahiwatig na maaaring mabulilyaso ang pamamahala ni PBBM, damay na d’yan ang mga magagaling na mga miyembro ng gabinete. 

Nakow! Si PBBM, pangiti-ngiti lang, siyempre naman, nagmamahal at nagpo-protect na babaeng kapatid si SIM. 

Pero sa konteksto ng magkapatid, talagang asiwa ang mga pahayag ng “proteksyon”.

Presidente si lalake, Senadora si babae. Dapat yata si Senadora na lang ang Presidente, si Presidente na lang ang Senador. Para “hindi mabulilyaso.”

Minsan daw nagsusumbong pa si SAM (Congressman Sandro Araneta Marcos). Ganon? Nagsusumbong? Kaka-asiwa mga termino ‘noh?

Ano kaya ang isinusumbong? ‘Di ba kapag sumbong ang termino, malamang sa malamang negatibo ang pinaaalam? 

Mga KapNoy, hindi ko sinasabing hindi tama ang pagmamahal at pagprotekta sa kapatid. Sadyang masakit sa tenga ang ideyang “baka mabulilyaso”. 

Sa mata ni SIM, wala bang kumpiyansa sa galing ni PBBM at sa gabinete nito. 

Maaaring mali lang ang interpretasyon ko sa mga kataga’t pahayag. Subalit sa aking pananaw, mas makabubuti sigurong ang pagmamahal at proteksyon ay pag-usapan na lang don sa mga panahong minsanang nagkaka-usap. Huwag nang isa-publiko. Asiwa po kasi. 

Baka mapag-dudahan pa po ng mga KapNoy natin ang kakayahan ni PBBM.

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila