Tuesday, October 15, 2024

BIKE LANE NO MORE? MMDA Tila Tumataliwas Sa Utos Ni PBBM

333

BIKE LANE NO MORE? MMDA Tila Tumataliwas Sa Utos Ni PBBM

333

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila pagtaliwas sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin ang sustainable transportation sa bansa ang balak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pagpapatanggal ng bike lane sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, plano nila umanong tanggalin ang bike lane dahil sa dumaraming kaso ng aksidente kaugnay sa mga bisikletang dumaraan sa EDSA. Napansin din nilang kaunti lang ang bilang ng mga tao na gumagamit ng bisikleta kumpara noong may pandemya.

Base sa kanilang datos, mayroong na lamang 1,500 ang gumagamit ng bisikleta kumpara sa bilang ng mga motorista na 170,000 na dumaraan sa naturang kalsada.

Ang nakikitang shifting ng taumbayan mula sa paggamit ng bisikleta kumpara sa sasakyan ay dahil na rin sa tindi ng init ng panahon na nararanasan ngayon. Napansin ng ahensya na mas pipiliin ng mga Pilipino ang sumakay sa may aircon na sasakyan kaysa mausukan at pagpawisan sa paggamit ng bike.

“Sa panahon ngayon, unang-una hindi ka tatagal magbike ng mahaba dahil sa sobrang init. Then pagpapawisan ka. Wala naman pong facility lahat ng opisina para may mapaliguan o mapagbihisan yung ating mga kababayan na nabibisikleta. Tingin ko isang malaking factor yan more than yung sinsabi nila na hindi safe [yung daan],” pahayag ni Artes sa isang press briefing.

Ang isinusulong na pagpapatanggal ng bike lane sa EDSA ay tila nagiging taliwas sa gustong mangyari ng pangulo sa pagpapalaganap sustainable na uri ng transportasyon sa bansa para makatulong sa kalikasan.

Noong nakaraang linggo, nabanggit ito ni Marcos at sinabing nais ng gobyerno na magkaroong ng “active transportation facilities” ang bansa tulad ng mas malawak na walkways at bikeways.

Kaugnay nito, umaalma rin ang ilang organisasyon tulad ng AltMobility PH ukol sa nagbabadyang ordinansa ng MMDA at sinasabing hindi ito dapat ipatupad dahil nagpapakita ito ng diskriminasyon sa mga taong sa bisikleta na lamang umaasa sa kanilang transportasyon sa araw-araw.

“This seems to leave MMDA as the only government agency left pursuing this path and undermining the President’s instruction to develop and promote ‘healthier and sustainable’ modes of transportation,” dagdag na pahayag ni AltMobility PH director Ira Cruz sa kanyang panayam sa Philippine Star.

Photo credit: Facebook/MMDAPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila