Wednesday, December 4, 2024

BINAK-UP-AN! Suspended Cebu City Mayor Rama Nakakuha Ng Kakampi

348

BINAK-UP-AN! Suspended Cebu City Mayor Rama Nakakuha Ng Kakampi

348

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nakakuha ng kakampi ang suspendidong mayor ng Cebu City na si Mike Rama nang magpahayag ng kanilang suporta ang tatlong miyembro ng League of Cities of the Philippines (LCP).

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal, at Muñoz City Mayor Baby Armi Alvarez ang kanilang pakikiisa kay Rama at pinuri ang integridad, karakter, at dedikadong serbisyo nito sa kanyang mga nasasakupan.

“We write to express our support to Mayor Michael L. Rama in the challenges he face[s]. We know Mayor Rama to be a person of integrity and character, who serves his constituents with exemplary leadership and dedication,” ani Belmonte sa kanyang liham na may petsang May 14, 2024.

Binigyang-diin ni Belmonte ang kanyang tiwala sa justice system at ang presumption of innocence, at hinimok ang mga tao na isaalang-alang ang karakter at mga kontribusyon ni Rama bago manghusga.

Inilarawan naman ni Rosal si Rama bilang “person of integrity and character who serves his constituents with exemplary leadership and dedication.”

“(LCP) President Mike Rama is a person of integrity and character who serves his constituents with exemplary leadership and dedication,” ayon naman kay Alvarez.

Ang pagsuspinde kay Rama, na epektibo mula noong Mayo 11, ay nag-ugat sa isang kaso na kinasasangkutan ng reassignment ng mga empleyado ng city hall, na humantong sa pagkaantala sa kanilang mga sweldo sa loob ng 10 buwan. Iniutos ng Office of the Ombudsman ang preventive suspension kay Rama batay sa mga reklamo ng grave misconduct, conduct unbecoming of a public officer, at conduct prejudicial to the best interest, bukod sa iba pa.

Cebu City Vice Mayor Raymond Alvin Garcia ang nagsisilbing acting mayor ngayon ng lungsod.

Photo credit: Facebook/sciencecityofmunoz3119

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila