Sunday, December 22, 2024

BINGI YARN? DOH, Manhid Sa Kalbaryo Ng Mga Pilipino! – Rep. Lee

2478

BINGI YARN? DOH, Manhid Sa Kalbaryo Ng Mga Pilipino! – Rep. Lee

2478

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ipinagpaliban ni Rep. Wilbert “Manoy” T. Lee ang House plenary deliberations sa panukalang 2025 budget ng Department of Health (DOH) at mga attached agency nito dahil sa nakikitang kawalan ng aksyon ng ahensya sa pagtataas ng benefit package para sa mga miyembro nito.

Nagpahayag siya ng matinding pag-aalala sa aniya ay kabiguan ng DOH na tugunan ang mahigpit na pangangailangan para sa mas malawak na health coverage. Kinuwestiyon niya ang commitment ng ahensya sa kapakanan ng mga Pilipino, lalo na sa mga patuloy na reklamo tungkol sa hindi sapat na serbisyong pangkalusugan.

“Nakakadismaya po itong ganitong ginagawa ng DOH. Nagbibingi-bingihan ba ang mga opisyal ng Kagawarang ito o manhid na ba ito sa mga hinaing ng mga Pilipino pagdating sa kulang-kulang na serbisyong pangkalusugan? Bakit hindi nila maibigay ang dapat at kayang ibigay para sa buhay at kalusugan ng ating mga kababayan,” daing ng mambabatas.

Isinusulong ni Lee ang makabuluhang pagtaas sa mga benepisyo ng PhilHealth. Aniya ang kasalukuyang pakete ay kulang sa pagtugon sa mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan ng mga Pilipino. Paulit-ulit na binatikos ng mambabatas ang Benefits Committee na pinamumunuan ng DOH dahil sa tila kawalan ng urgency sa pagtugon sa isyung ito.

“Nganga na lang ba tayo habang hinihintay kung kailan nila i-a-approve yung panawagan natin para sa mas maganda at ramdam na benepisyo mula sa PhilHealth? Diyos po ba itong mga tao na ito, na malamang ay nandito sa harap natin ngayon. Kung nandito po sila at kinakailangan ako na ang magmakaawa para sa taumbayan, gagawin ko. Maawa kayo sa mga Pilipino,” aniya.

Nagbigay din si Lee ng mga nais niyang matugunan ng DOH bago siya pumayag na ipagpatuloy ang deliberasyon sa badyet. Kabilang dito ang isang detalyadong plano upang bawasan ang mga out-of-pocket expenses, pagtaas sa mga benepisyo upang masakop ang isang mas malawak na hanay ng mga diagnostic test at treatment, at isang timeline para sa pagpapatupad ng mga pagbabagong ito.

“We need a radical overhaul and not incremental change in our health financing. Radikal, hindi tingi-tingi na suporta sa serbisyong pangkalusugan,” aniya.

Photo credit: Office of Rep. Wilbert Lee

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila