Saturday, December 21, 2024

‘BISENG BALIW’? Kambyo Ni Trillanes, ‘Boldyakin’ Si Sara Bilang VP

1422

‘BISENG BALIW’? Kambyo Ni Trillanes, ‘Boldyakin’ Si Sara Bilang VP

1422

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila napuno na sina dating Senador Antonio Trillianes at isa sa miyembro ng Kabataan Partylist sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang hindi pagdalo sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Matapos kumpirmahin ni Duterte na hindi siya sisipot sa paparating na SONA sa Hulyo 22 dahil siya ang magiging “designated survivor.” Nagbunga ito ng samu’t-saring pahayag dahil umano sa hindi angkop na hirit ng bise presidente.

“It is time to impeach this crazy woman,” maikli ngunit matinding banat ni Trillianes kay Duterte.

Para naman kay Kabataan partylist Executive Vice President Reene Louise, tila nagpapabida lamang ang bise presidente sa kanyang sinabi.

“This is delulu behavior. She is no alternative or back-up leader when the only legacy she has proven to Filipinos is her confidential funds racket and the thousands of victims of her family’s fake war on drugs,” pahayag niya sa Facebook post ng Kabataan partylist.

Ayon kay Co, ang pag-absent ni Duterte sa darating na SONA ay hindi siya ginawang “main character” sa mata ng taumbayan ngunit nagmukha umano siyang opisyal na hindi ginagampanan ang kanyang tungkulin.

“Drama ito sa pagitan ng magkaaway na dinastiya at paksyon ng ruling class. Genuine leaders always show up to answer the call to serve the people, and not just when it is convenient to their political ambitions.”

Matatandaang sa US political thriller series na “Designated Survivor,” naging US president ang isang low-ranking Cabinet member na si Tom Kirkland matapos pasabugin ang US Capitol building habang nagaganap ang State of the Union Address ng kasalukuyang presidente. Dahil dito, namatay ang lahat ng matataas na opisyal ng bansa at ang pagiging lider ng US ay naipasa kay Kirkland na hindi dumalo sa nasabing political event.

Photo credit: Facebook/sonnytrillanes.official, Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila