Wednesday, January 22, 2025

BISING-BISI! Konsi Jonsi, Level Up: Tatakbong Los Baños Vice Mayor Sa 2025

2394

BISING-BISI! Konsi Jonsi, Level Up: Tatakbong Los Baños Vice Mayor Sa 2025

2394

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Opisyal nang naghain si Los Baños Councilor Jonathan “Jonsi” Siytiap ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-bise alkalde sa darating na 2025 halalan. Sa pamamagitan ng isang post sa social media, ipinahayag ni Siytiap ang kanyang determinasyon na ipagpatuloy ang paglilingkod sa mga mamamayan ng Los Baños.

“Opisyal na po tayong naghain ng COC bilang inyong Vice Mayor sa darating na 2025. Makakaasa po kayo na patuloy ko pong ipaparamdam ang Serbisyong Tiyak Na Maaasahan. Sana’y patuloy niyo po akong samahan kasama ang Team #BagongLosBaños para sa tuloy-tuloy na progresibong #BagongLosBaños,” ani Siytiap.

Sa mahigit dalawang taon bilang konsehal, nakapagpatupad si Siytiap ng siyam na pangunahing programa at proyekto na nakatulong sa komunidad, kabilang ang:

  • Municipal Social Pension: Isang ordinansang inakda ni Siytiap na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga senior citizens na edad 60 pataas, na umabot na sa mahigit 2,000 benepisyaryo.
  • Educational Assistance: Ordinansa na nagbibigay ng hanggang P10,000 bawat taon sa mga estudyanteng nangangailangan ng pinansyal na suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Mahigit 1,700 estudyante na ang natulungan.
  • Simplification of Financial Assistance: Pinadali ni Siytiap ang proseso sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga residente, na umabot na sa mahigit P50 milyon ang naipamahagi sa mga nangangailangan.
  • Road Network Improvement: Mahigit 1,231 metro ng mga kalsada sa apat na barangay ang naayos at pinaganda, na nagpapakita ng mas maunlad at modernong bayan.
  • Canal and Drainage Projects:Nasolusyunan ang problema sa baha sa pamamagitan ng pagtatayo ng 1,323 metrong kanal at drainage na nakinabang ang mahigit 500 pamilya.
  • Lab ni Jonsi: Isang programang pangkalusugan na nagbibigay ng libreng laboratory tests sa 14 barangay, na nakatulong sa 1,374 katao.
  • Jonsi Cares Program: Personal na inisyatiba ni Siytiap na may pondong P2.2 milyon, na nagbigay ng direktang tulong sa mga kababayan sa loob ng dalawang taon.
  • Pozo Program: Pagkaloob ng water pumps upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa mahigit 365 pamilya.
  • Water Supply Projects: Naitaguyod ni Siytiap ang suplay ng tubig para sa mahigit 70 pamilya sa Brgy. Lalakay at Brgy. Malinta, matapos ang matagal na kakulangan ng tubig sa mga lugar na ito.

Ang kanyang kandidatura bilang Vice Mayor ay bahagi ng kanyang hangaring mas mapalawak pa ang kanyang serbisyo publiko at ituloy ang mga proyekto para sa ikabubuti ng mga residente ng Los Baños.

Photo credit: Office of Councilor Jonathan “Jonsi” Siytiap

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila