Monday, January 27, 2025

BLAME GAME? Malacañang Ininguso Kongreso Sa ‘Blank Budget’ Isyu

75

BLAME GAME? Malacañang Ininguso Kongreso Sa ‘Blank Budget’ Isyu

75

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nilinaw ng Malacañang na walang kinalaman ang executive branch sa mga umano’y “blank” entries sa bicameral conference committee report ng 2025 national budget.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Davao City Representative Isidro Ungab na maghahain siya ng petisyon sa Korte Suprema upang hamunin ang mga tinatawag na blank entry sa bicam report ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sa isang press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na iginagalang ng Palasyo ang plano ni Ungab at ng iba pang mga personalidad na dalhin ang isyu sa Korte Suprema.

Subalit, nilinaw ni Bersamin na ang executive branch ay walang kinalaman sa umano’y blank items sa nasabing bicam report ng 2025 budget.

“Ang problema natin diyan ay hindi kami ang mananagot diyan kung meron mang pagkukulang kasi bicam report iyan. Wala kaming kinalaman sa bicam report. Ang may kinalaman lang kami ay ‘yung finished product na pinirmahan ng Presidente,” ani Bersamin.

“Alisin natin sa consciousness na kami’y may kinalaman sa mga blank page na sinasabi ninyo,” dagdag pa ni Bersamin.

Budget Secretary Amenah Pangandaman, na kasama rin sa press conference, sinabi na hindi rin nakita ng executive branch ang bicameral report na naglalaman ng mga blank entry sa budget.

Ayon sa isang podcast video na ipinalabas sa YouTube account ni Davao City Mayor Sebastian Duterte, sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte at Ungab na mayroong hindi bababa sa 13 pahina ng budget na may mga blank appropriations.

Tanong tungkol sa posibleng epekto ng mga legal na hamon sa 2025 budget, sinabi ni Bersamin na “speculative” pa ang mga komento hangga’t hindi nakikita ng Palasyo ang aktwal na reklamo na ihahain sa Korte Suprema.

Mali na ipasa ang sisi kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil ang Kongreso lamang ang makakasagot sa mga alegasyon tungkol sa mga blank na entries sa report, sabi ni Bersamin.

“Gusto kong malaman ng taumbayan na wala kaming kinalaman diyan. Tanungin niyo ‘yung mga congressmen, yung mga senator. And that is all we can say at this point,” dagdag ni Bersamin.

“That is why we respect also the boundaries by not commenting kung sino (who is) to be blamed or not but I’m sure we did not benefit at all from the blank spaces that are being peddled around,” aniya pa.

Photo credit: Presidential Communications Office website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila