Monday, December 23, 2024

Bongga! Pride Month Suportado Ni PBBM, Iba Pang Mga Politiko

30

Bongga! Pride Month Suportado Ni PBBM, Iba Pang Mga Politiko

30

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isa ang Pride Month sa mga selebrasyon ngayong buwan ng Hunyo na binati ni Pangulong Bongbong Marcos sa kaniyang vlog kasabay ang ika 125 na anibersaryo ng ating Araw ng Kalayaan, Arbor Day, at Filipino Seafarer’s Day.

“Palakpakan natin sila at ipagmalaki dahil sa kanilang pagsasabuhay ng husay at galing ng ating mga Pilipino. Sa bagong Pilipinas, ang Pilipino ay malaya, at sa bagong pilipinas ang Pilipino ay malawak ang isipan at malaya sa diskriminasyon o pagkutya.” mensahe ng pangulo para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community. 

Si Senate President Pro Tempore Loren Legarda naman ay dumalo sa reception ng British Embassy para sa selebrasyon nito ng Pride Month. Nagpahayag din siya ng kaniyang suporta sa pamamagitan ng social media kung saan inilahad niya ang aksyong ginagawa para sa enactment ng Anti-Discrimination Act na ngayon ay SOGIE Equality Act na. 

“I have been pushing for the enactment of the Anti-Discrimination Act since the 17th Congress, now substituted as SOGIESC (Sexual Orientation, Gender Identity or Expression, or Sex Characteristics) Equality Act. The proposed measure seeks to address the widespread and systemic discrimination that persist in the Philippines on the basis of SOGIE…” aniya.

Dumalo naman sina Deputy Minority Floor Leader Risa Hontiveros sa Pride Month March sa Quezon City at nagpahayag ng mensahe at panawagan hinggil sa SOGIE Equality Bill sa kaniyang social media.

We parade with #Pride! We know that LOVE always wins. Kaya kapit lang, mga mahal. Ilalaban at ilalaban natin ang #SOGIEEqualityBill! And with all the hope & love we’ve got, WE WILL WIN!” aniya.  

Isa sa mga dinaluhang pagtitipon ang Pride Festival na idinaos ng Quezon City at inorganisa ng Pride PH na ginanap sa Quezon Memorial Circle. Ito ay dinaluhan ng iba’t ibang personalidad na kabahagi at ally ng LGBTQ+ community mula sa iba’t ibang industriya.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila