Eksaktong isang buwan matapos manawagan para sa pagbibitiw ni Pangulong Bongbong Marcos, binanantan nanaman ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang presidente sa katatapos lang na prayer rally sa Cebu.
Aniya, ang kasalukuyang administrasyon ay walang kakayahan na pamahalaan ang bansa nang epektibo at ayusin ang mga problema nito.
“Ngano di man nimo kaya tarungon? (Why can’t you fix it?),” pahayag ni Duterte.
Higit pa rito, pinuna rin niya si Marcos sa pananahimik nito sa mga mahahalagang isyu at ang paggamit kay House Speaker Martin Romualdez bilang kanyang tagapagsalita.
Hindi pa rito nakuntento ang batang Duterte dahil tinawag din niyang scam ang pangako ng Pangulo na pabababain ang presyo ng bigas sa P20 per kilo.
“Kahibaw mo unsa’y pinakakataw-anan ani tanan? Ibakak nimo ang tag-20 nga bugas. Scam na. (You know what is most funny about this. You lied about P20 per kilo of rice. It is a scam),” aniya.
Matatandaang pinatindi ni Mayor Duterte ang namumuong alitan sa pagitan ng mga kampo ng kanyang ama na si sating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Marcos nang manawagan siya na magbitiw ang huli dahil sa diumano ay kawalan ng pagmamahal at adhikain para sa bayan.
“Mr. President, if wala kay gugma ug aspirations sa imohang nasod, resign (Mr. President, kung wala kang pagmamahal at adhikain para sa iyong bansa, magbitiw ka),” diretsahang banat niya.
Pinuna rin ni Mayor Baste ang mga patakaran ng administrasyon, at sinabing ang foreign policy ni Marcos ay nagdadala ng panganib sa buhay ng mga Pilipino. Inakusahan din niyang tamad at walang compassion ang pangulo, na humahantong sa public dissatisfaction.
“You are lazy and you lack compassion… All of these things that he is causing in oppressing the people. So there, he is putting politics first, their self-preservation of their political lives. They are not doing their jobs first.”
Iginiit din niya ang muling pagbuhay ng peace talks sa mga rebeldeng komunista, at sinabing na walang pang-unawa si Marcos sa paghihirap sa mga lugar tulad ng Paquibato at Marilog, dating kuta ng mga rebelde sa Davao City.
“The problem is they were not there up in the mountains. They did not experience it. Now, because they have a grievance with my sister (Vice President Sara Duterte), they are cozying with the left.
“Nasakitan kaayo ko (Nasaktan ako), they want to imprison my father,” aniya.
Higit pa rito, iniugnay ni Mayor Duterte ang kanyang panawagan sa mga nagaganap na pagkakawatak-watak sa loob ng administrasyong Marcos, at inaakusahan ang Pangulo na inuuna ang mga personal na interes kaysa sa pagtugon sa mga kritikal na isyu na kinakaharap ng bansa.
Photo credit: Facebook/officialpdplabanph, Facebook/pcogovph