Thursday, November 21, 2024

BUHAY NA BUHAY PA! Digong Tigok Issue, Fake News

1191

BUHAY NA BUHAY PA! Digong Tigok Issue, Fake News

1191

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Muling itinanggi ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa hindi magandang kalusugan ng dating Pangulo Rodrigo Duterte at tinawag itong “fake news.”

Sa isang Facebook post ni Go noong July 17, 2024, sinabi niyang “Alive and Eating!” ang dating pangulo. Makikita sa post ang mga larawan ni Duterte na masiglang kumakain ng prutas sa kanyang bahay sa Davao City, kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Sa isa pang naunang post ni Go noong Hunyo 20, direktang sinagot ni Duterte ang mga usap-usapan sa pamamagitan ng isang live video sa Facebook, kung saan sinabi niya, “Ako ay matanda na, at hindi natin maiiwasan ang mga balita na ako ay may sakit. Wala naman akong sakit, at pakiramdam ko ay hindi naman ako mamamatay agad ngayon.”

Kamakailan lamang, ibinahagi  din ng Partido Demokratiko Pilipino ang video ng masiglang pagkanta ng dating pangulo sa isang event.

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa balitang ito. Habang natuwa ang ilan ay sinabi namang tiyak na manghihina si Duterte kapag nasimulan nang  imbestigahan ng International Criminal Court ang mga paratang sa kanya tungkol sa extrajudicial killings noong panahon ng war on drugs. 

Photo credit: Facebook/senatorbonggo

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila