Wednesday, February 12, 2025

BUMUWELTA! Mga Mambabatas, Lumaban Sa Mga Kritiko Ng ‘Ayuda’

3

BUMUWELTA! Mga Mambabatas, Lumaban Sa Mga Kritiko Ng ‘Ayuda’

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Walang atrasan! Matapos ilabas ang resulta ng mga survey mula sa Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, bumwelta ang mga mambabatas sa mga kritiko ng mga social welfare programs ng gobyerno.

Pinatunayan ng mga survey na suportado ng nakararaming Pilipino ang mga programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Walang Gutom Program (WGP), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) dahil sa malaking tulong na naibibigay ng mga ito.

Gonzales: ‘Tama Na Ang Batikos’

“Let’s listen to our fellow Filipinos. They support these social welfare programs because they help improve their lives. It’s time to stop the criticism,” diin ni House of Representatives Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Ayon kay Gonzales, sa matagal na panahon, wala pang ibang programa ng gobyerno ang nakatanggap ng ganitong antas ng pagtanggap at suporta mula sa publiko.

Suarez: ‘Pinaglaban Namin Ang AKAP!’

Samantala, ipinagmalaki naman ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ang naging papel ng Kamara sa pagsigurong kasama ang AKAP sa pambansang budget noong nakaraang taon.

“We knew from the start that this program was beneficial, which is why we ensured its continued funding in the 2025 budget despite some lawmakers attempting to remove it,” aniya.

Dalipe: ‘Para Ito Sa Taumbayan!’

Hindi rin nagpahuli si Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe sa pagdepensa sa ayuda programs, lalo na sa epekto nito sa ekonomiya.

“These programs are funded by taxpayers’ money, which Congress is putting to good use by helping the poor and those whose income is not enough for their daily needs,” paliwanag niya.

Idinagdag niya na malaki ang naitutulong ng ayuda sa pagpapagaan ng kahirapan sa bansa.

Survey: Taumbayan, Sobrang Pabor Aa Ayuda

Batay sa datos ng SWS, 90% ng mga sumagot sa survey ang nagsabing malaking tulong ang 4Ps, habang 88% ang nagsabing epektibo rin ang TUPAD program. Lumabas din na 81% ang nagpahayag ng suporta sa AKAP at Walang Gutom programs.

Ayon naman sa Pulse Asia, 82% ng mga sumagot ang nagsabing nakatulong ang 4Ps sa katatagan ng kanilang pananalapi, habang parehong 81% ang nagsabing malaki ang ginhawang naidulot ng AKAP at TUPAD.

Isinagawa ang mga survey mula Enero 17 hanggang 25.

Photo credit: Facebook/dswdfo7

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila