Nagbabala si House Deputy Minority Leader France Castro sa desisyon ng Department of Education (DepEd) na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga paaralan.
“Allowing the optional wearing of face masks in schools does not provide teachers and students the safe reopening of classes. We are still under the Covid pandemic and data on positive cases may be underreported. Allowing optional wearing of face masks in schools may put many lives of children and teachers in danger,” aniya sa isang pahayag.
Nasabi ito ni Castro pagkatapos sabihin ng DepEd na susundan nila ang Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawang optional na lamang ang pagsuot ng face masks sa mga indoor settings.
Ayon sa kinatawan ng ACT Teachers, dapat ipatupad pa rin ang minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask dahil hindi umano sapat ang mga pasilidad para magkaroon ng sapat na social distancing.
Dagdag ng mambabatas, kailangan pa rin ng mga face mask dahil walang sapat na bentilasyon sa mga masisikip na silid-aralan.
“The government refuses to provide teachers and students adequate funds for free treatment in case of positive cases of Covid-19 in schools, it refuses to provide weekly testing for teachers and school personnel, there are no school nurses or adequate clinics in schools, now it allows the optional wearing of face masks in schools, removing the bare minimum of health standards in schools to protect teachers and students from the Covid pandemic,” sabi ni Castro.
Ayon sa kanya, dapat ayusin muna ng gobyerno ang overcrowding sa mga silid-aralan, ang kakulangan ng mga nurse at health facilities, at ang kawalan ng medical fund para sa nagkasakit na guro bago alisin ang mandato sa mga face mask.
“Ensuring a safe school environment not only protects teachers and students from diseases, but it also improves the quality of education our students receive and a safer work environment for teachers and school personnel,” sabi ng mababatas.
Nagsimula na ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan maliban sa mga umapela ng exemption noong Miyerkules, November 2, alinsunod sa Department Order 44 ng DepEd.
Photo Credit: Facebook/ACTteachers