Iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang siyam na kontratista na umano’y nagbigay ng kontribusyon sa kampanya ng ilang kandidato noong May 2025 elections, ayon sa pahayag ng poll body.
Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang nasunog na dokumentong may kaugnayan sa flood control projects sa gusali ng Bureau of Research and Standards (BRS) sa Quezon City na nasunog nitong Miyerkules ng hapon.
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala siyang itinatago kaugnay ng isyung may kinalaman sa flood control projects at tiniyak na hindi niya pakikialaman ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi kasalukuyang kinokonsidera si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang state witness sa imbestigasyon ng umano’y iregularidad sa flood control projects.
Nagbabala ang Commission on Elections–Negros Island Region (Comelec-NIR) sa mga nagnanais tumakbo sa susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) laban sa pagbibigay ng maling impormasyon sa kanilang certificates of candidacy (COC).