Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na walang nasunog na dokumentong may kaugnayan sa flood control projects sa gusali ng Bureau of Research and Standards (BRS) sa Quezon City na nasunog nitong Miyerkules ng hapon.
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala siyang itinatago kaugnay ng isyung may kinalaman sa flood control projects at tiniyak na hindi niya pakikialaman ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi kasalukuyang kinokonsidera si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez bilang state witness sa imbestigasyon ng umano’y iregularidad sa flood control projects.
Nagbabala ang Commission on Elections–Negros Island Region (Comelec-NIR) sa mga nagnanais tumakbo sa susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) laban sa pagbibigay ng maling impormasyon sa kanilang certificates of candidacy (COC).
Nagpapatuloy na muli ang voters’ registration sa buong bansa, ayon sa Commission on Elections (Comelec), na nananawagan sa publiko na huwag hintayin ang huling araw bago magsumite ng aplikasyon.
Pinuri ni Senate President Sotto ang hakbang ni PBBM na hindi i-certify bilang urgent ang 2026 budget, na magbibigay-daan sa masusing pagtalakay ng mga mambabatas.
Opisyal nang kinasuhan ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng crimes against humanity kaugnay ng kampanya kontra droga sa Pilipinas, ayon sa anunsyo ng ICC Prosecutor.
Isiniwalat ng kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya II ang umano’y modus ng ilang mambabatas na nag-“pre-arrange” ng mga proyekto sa DPWH sa pamamagitan ng pagbili ng kontrata bago pa ang bidding.
Ipinahayag ng Malacañang na handang humarap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa anumang imbestigasyon kaugnay ng ulat ng PCIJ tungkol sa mga donor na kontratista noong halalang 2022.