"Over Acting! Masyado lang praning ang Malacañang." Ito ang buod ng sentimyento ng mga netizens sa kabi-kabilang paglalatag ng checkpoints ng Philippine National Police nitong nakaraang February 25. Kwento pa ng isang taga-Batangas, anim na chekpoints ang dinaanan nya at inabot siya ng tatlong oras sa byahe ang sinasakyan niyang mini-bus kaya hindi na siya nakapasok sa trabaho. Ito din daw ang dinanas ng daan-daang night-shift workers sa CALABARZON na naipit sa kakatwang sistema ng pagpapatupad ng checkpoints ng PNP.
Ito ang tanong ng marami sa exposé ni ex-president Duterte sa umano'y pagiging bangag sa droga ni Pangulong Bongbong Marcos. "Bakit ngayon ka lang nagpuputak?