Thursday, January 23, 2025

CELEBRITIES, PROTEKTADO! Endorsers, Hindi Na Pwedeng Madawit Sa Scams – Padilla

2040

CELEBRITIES, PROTEKTADO! Endorsers, Hindi Na Pwedeng Madawit Sa Scams – Padilla

2040

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain ng panukala si Senador Robin Padilla para tiyaking hindi basta-basta madadawit ang mga celebrity endorsers sa mga illegal na investment scam. Nag-file siya kamakailan ng Senate Bill (SB) 2899 o ang Product Endorsers Protection Act. 

Ayon kay Padilla, layunin ng panukalang batas na ito na maiwasang maulit ang nangyari sa aktres na si Nerizza “Neri” Naig-Miranda, na naaresto dahil sa kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code.

Ayon sa kanya, madalas ang mga endorsers ang unang nadadamay kapag nasasangkot sa scams ang kumpanyang kanilang iniendorso. Dagdag pa ng mambabatas, hindi nila kasalanan na ginagamit ang kanilang pangalan at mukha, pero sila pa ang unang napagbibintangan.

Sa ilalim ng SB 2899, ipinatutupad ang mga sumusunod na probisyon:

  1. Full Disclosure sa Kontrata: Kailangang detalyado ang kasunduan sa pag-eendorso, kasama na ang kalikasan ng negosyo at produkto.
  2. Proteksyon Para sa Mga Endorsers: Nililinaw ng kontrata ang obligasyon ng endorser, pati na ang relasyon nila sa kumpanya, at sinisiguro na wala silang kinalaman sa pagbebenta ng investment contracts at securities kung wala silang lisensya.
  3. Pahayag Tungkol sa Securities: Kung ang negosyo ay may kinalaman sa securities, dapat malinaw na hindi pwedeng mag-promote o magbenta ang endorser na may inaasahang kita o komisyon nang walang tamang lisensya bilang broker.
  4. Bawal Tumanggap ng Investments: Ang mga kumpanyang may investment contracts ay hindi pwedeng tumanggap ng investments mula sa efforts ng endorser na hindi rehistradong broker. 

Parusa Para sa mga Lumabag

Kung ang endorser ay magpapakilala bilang agent ng negosyo na walang awtorisasyon, maaring pagmultahin ng:

  • P100,000 para sa unang paglabag;
  • P300,000 para sa ikalawang paglabag;
  • P500,000 hanggang P1 milyon at kanselasyon ng Certificate of Registration para sa ikatlong paglabag.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila