Sunday, November 24, 2024

CHIBUGAN NA! PBBM Ini-level Up Ang Pagkaing Pinoy Sa ‘Chibog Tourism’

324

CHIBUGAN NA! PBBM Ini-level Up Ang Pagkaing Pinoy Sa ‘Chibog Tourism’

324

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos ang Pinoy na ibida ang mga pagkaing Pinoy upang maiangat ang turismo sa bansa.

Sa kanyang vlog, ipinamalas ng pangulo ang iba’t-ibang pagkaing Pinoy upang mas mahikayat ang mga dayuhan na bumisita sa ating bansa lalo pa’t napabilang ulit ang lutong Pinoy sa panibagong listahan ng masarap na pagkain sa mundo.

Ayon sa latest survey ng TasteAtlas, kabilang sa listahan ng kanilang Top 100 ang iba’t-ibang pagkaing Pinoy tulad ng Sinigang, Lumpiang Shanghai, at iba pang Filipino cuisine.

Dahil sa panibagong pagkilalang ito, nais pang palawigin ng pangulo hindi lamang ang mga kilalang pagkain sa bansa kundi ang kabuuang food tourism ng bawat rehiyon.

“Feeling ko kapag nalaman pa ang ibang regional cuisine, tataas pa ‘yan. Ang dami pang hindi nila nakita at talagang kahit yung ibang Pilipino hindi nila nakikita. Ang daming masarap na pagkain dito sa Pilipinas,” aniya.

At bilang social media capital ng mundo, nais rin ng pangulo na gamitin ang platform na ito upang mas ipagmalaki ang mga pagkaing Pinoy.

“Mayaman ang kultura natin pagdating sa pagkain at pagluluto. Gamit ng social media, lalo pa nating malalaman na mayroong mga pagkain na dapat dayuhin at subukan kaya sa mga foodie na kagaya ko,” saad ng pangulo.

Kaugnay nito, iminungkahi ng pangulo na gamitin ang “Chibog” tourism para makahatak ng mas maraming bisita sa bansa. “Food does not only feed the stomach, it also feeds the soul. Mahilig tayo sa ganoon eh. Very hospitable. Ang pinaka magandang regalo sa bisita – masarap na pagkain.”

Nais din ni Pangulong Marcos na mabigyan ng suporta ang mga micro, small and medium enterprises sa bansa dahil isa rin sila sa makakatulong upang mapalawig ang pagpapakilala sa mga pagkaing Pinoy.

“Suportahan natin mga MSMEs. Sa mga OFW, ipasubok pa natin ang pagkaing Pilipino sa ating mga kaibigang dayuhan [at] imbitahan na natin dito sa Pilipinas. Mabuhay ang pagkain at panlasang Pilipino.” dagdag pa niya.

Photo credit: YouTube/Bongbong Marcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila