Thursday, January 16, 2025

‘CHINESE INVASION’? Dating Economic Adviser ‘Inginuso’ Ni Barbers Sa Pamemeke Ng Chinese Nationals

354

‘CHINESE INVASION’? Dating Economic Adviser ‘Inginuso’ Ni Barbers Sa Pamemeke Ng Chinese Nationals

354

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ganun na lamang ang pagkabahala ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers hindi lamang dahil sa mga nasakoteng bulto-bultong iligal na droga sa isang buy-bust operation sa Pampanga kundi sa mga nabistong pekeng dokumento ng ilang Chinese citizen!

Sa opisyal na pahayag ni Barbers, chairman ng Committee on Dangerous Drugs, dapat na humarap sa hearing ang dating economic adviser ni Digong na si Michael Yang dahil sa kanyang umano’y pagkakasangkot sa 3B drug operations sa Pampanga noong nakaraang taon.

Ayon sa imbestigasyon, hindi lamang illegal na droga ang nabunyag sa kanilang kampo ngunit pati na rin ang sari-saring kumpanya na kanilang itinayo sa bansa na pinamumunuan di umano ng ilang Chinese citizen.

Dagdag pa ng tinaguriang “Alas ng Mindanao,” napag-alamang ang mga Chinese citizen na ito ay nagpresenta umano ng mga pekeng dokumento para magkaroon ng Philippine residency upang makapagpatayo ng kanilang mga negosyo sa bansa.

“This matter has now gone from a simple illegal drug smuggling to a national security concern. We need to establish the link between these companies and Michael Yang, the financier of Pharmally. […] These personalities and their interests are so intertwined and intricately woven in an elaborate multi layered company structure that resembles a maze deliberately designed to avoid detection and ultimate liability in case the scheme is discovered,” ayon kay Barbers.

Bukod sa pagtatago ng kanilang tunay na pagkakakilanlan, may posibilidad din na ang mga Chinese citizen na ito ay bumibili ng ekta-ektaryang agricultural at residential lands sa Northern Luzon para gawing warehouse.

Ngunit nang matunugan ng mga nasabing Chinese businessmen ang pagkakaroon ng imbestigasyon ng gobyerno, agaran nilang itinigil ang nasabing operasyon.

Bulalas pa ni Barbers, maaring marami pang tinatagong kabulastugan ang mga nasabing Chinese citizen tulad ng kanilang iba pang assets sa bansa. “We intend to get to the bottom of this issue in order to find out if indeed the drug bust is just the tip of the iceberg.”

Dagdag pa ni Barbers, dawit umano si Yang sa isyu dahil isa siya sa mga itinuturong sa top drug traders sa bansa base na rin sa record ng Philippine National Police.

Sa pagresolba sa nasabing isyu, nanindigan si Barbers na gagawin nila ang lahat upang managot ang mga sangkot dito para na rin sa seguridad ng bansa. “We promise that we will leave no stone unturned in getting to the bottom truth of this mess these Chinese nationals created here in our country.”

Aniya, mas mapapadaling maresolusyunan ang kontrobersyang ito kung kusang magbibigay ng pahayag ang mga sangkot dito.

“I always say that we have no problems with Chinese nationals doing legitimate business in our country. But doing these illegal drug activities is another story. […] If they are really innocent, we urge them to come out and explain their roles in the labyrinth they created.”

Photo credit: Facebook/acebarbers7

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila