Friday, January 10, 2025

Covid Healthcare Waste Nanatiling Problema – Garin

0

Covid Healthcare Waste Nanatiling Problema – Garin

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hiniling ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin sa Kongreso na madagdagan ng budget ang infectious healthcare waste program ng Environmental Management Bureau sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR) dahil nanatili pa rin malaking problema ng bansa ang pagtatapon sa tone-toneladang Covid-19 medical waste dalawang taon mula nang tumama ang pandemic.

Sa isang pahayag, sinabi nya na naglaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.22 bilyon para sa EMB-Environmental Regulations and Pollution Control Program sa ilalim ng proposed 2023 budget ng DENR, na P1.53 bilyon o 55.7 percent na mas mababa sa P2.75 bilyon na inilaan ngayong taon.

Binigyang-diin ni Garin na dahil sa tapyas na pondo partikular na apektado ang mga programa ng EMB sa pagpapatupad ng Clean Air Act, Clean Water Act, Solid Waste Management at hazardous waste regulations. 

Ayon sa vice chairman ng House Committee on Appropriations, nakararanas pa rin ng pandemya ang bansa at patuloy na may tinatamaan ng covid virus, na nangangahulugang nadaragdagan pa rin ang mga basura buhat dito. Samakatuwid, hindi pa oras upang bawasan ang pondo para sa mga programa sa healthcare waste.

Aniya, ang koleksyon ng healthcare waste noong nakaraang taon ay 634,687.73 metriko tonelada, o 52,890 metriko tonelada bawat buwan, na humigit-kumulang 500 percent na mas mataas bago ang pandemic.

“While COVID-19 cases in the country have started to decline, virus-contaminated healthcare wastes generated by the situation have continuously become a challenge and addressing the issue of proper healthcare waste disposal is still of paramount concern,” paliwanag ng mambabatas.

Pinakikilos din niya ang DENR upang harapin ang isyu na nagkakaroon ng mga hindi nakolektang healthcare waste mula sa kanilang mga pasilidad para sa preliminary treatment at storage facility ng ilang mga local government.

“LGUs have been told to store these medical waste, however, ang tagal na sa storage, may ilang LGUs ang hindi agad nakakapagtapon ng kanilang medical waste sa mga sanitary landfill dahil walang kumukuha. We are asking the DENR to look into this as the consequences of improper handling and disposal of medical waste are serious,” ani Garin.

Idinagdag niya na ang Waste Management Program ng DENR ay nagbibigay ito ng pondo sa ilang mga local government lalo sa mga nasa remote areas para sa  pagpapatayo ng kanilang sariling special waste facilities na gagamitin bilang temporary at transit point para sa Covid-19 related healthcare waste bago ito ibiyahe patungo sa Treatment, Storage and Disposal (TSD) Facilities.

Ayon kay Garin, ang Covid-19 healthcare waste program ay para lamang sa medical waste na nakokolekta sa mga kabahayan, vaccination sites at quarantine facilities at hindi kasama dito ang mga medical waste na nanggagaling sa mga ospital na direkta nang hinahakot ng TSD patungo sa mga landfills.

Photo Credit: House of Representatives website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila