Nakikita ni Senador Risa Hontiveros bilang isa sa magandang candidates para sa Senado sa susunod na taon si dating Senador Leila de Lima dahil sa kanyang malasakit sa mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) at war on drugs (WoD).
Matapos maihain ang desisyon na “not guilty” sa drug cases ni de Lima, sinuportahan ni Hontiveros ang paninindigan ng dating Justice Secretary sa pagsulong ng pagbibigay-hustisya sa biktima ng EJK at WoD.
“Lagi niyang pinapaalala na yung hustisya rin para sa lahat ng nabalo at naulila dahil sa extrajudicial killings,” aniya.
Kaugnay nito, sinabi ni Hontiveros na ka-isa siya ni de Lima na maparusahan kung sinuman ang nag-akusa ng drug trafficking laban sa kanya. Aniya, hindi lamang siya ang matutulungan nito kundi pati na rin ang iba pang biktima ng krimen na ito.
“Now, we need to focus our attention on those who have wrongly accused her. False charges compromise not only the accused’s reputation but also the integrity of our legal system.”
Dahil dito, ipinabatid ni Hontiveros na dapat lamang na makabalik sa Senado si de Lima sa susunod na taon dahil sa kanyang kredibilidad at boses para sa biktima ng EJK at WoD.
“I hope that she will also consider running again for the senate. Bigyan lang natin siya ng pagkakataon na pagisipan po yan sa mga araw na ito.”
Maalalang nabilanggo si de Lima dahil sa drug trafficking cases na isinampa ng administrasyong Duterte habang siya ay nanunungkulan bilang senador. Matapos ang halos pitong taon ang napayagang mag-pyansa si de Lima at tuluyan na ngang ibinasura ang lahat ng kaso laban sa kanya.